Chapter 21 *Photoshoot*

911 23 0
                                    

1 pm na ata kami nakapag tanghalian dahil ang dami dami kong niluto. Si Blake lang ang kasama ko nagluto dahil puro kaartehan yung iba, lalo na yung dalawang babae, naalala ko tuloy kanina.

*Earlier that day..*

" Ate, pakihiwa naman yung onions" request ko kay Ate Angelin

"Ayoko,nakakaiyak yan eh" sagot niya tapos naglakad paalis

"Bessy paki pitpit na lang yung bawang." request ko kay Leila

"Matagal mawala yung amoy nyan sa hands eh, ayoko" sagot niya at nag walk out din

"BR, ikaw na lang" baling ko kay BR

"Hah, baka mali eh, bye" at gaya nung dalawa lumayas din siya

"Hehe" sabi ni Alex at saka tumakbo palabas ng kusina

"Wag ako, pagod akong namalengke" pangunguna ni Jet sa sasabihin ko kaya hindi na ako nagpatulong sa kanya

"Tulungan na kita" sabi ng may busilak na puso na si Blake, buti pa siya

*End*

Kaya ayun, nagmukmok silang lahat dahil late na daw kami mag lalunch, pero nung naihanda lahat ng food sa table, ang gagaling nilang lumamon. Mga wala namang itinulong. Sarap sapakin ng mga toh, de joke hindi naman ako violent eh.

"Ang ganda dito noh?" sabi ni Bessy na sinang ayunan naming lahat

"Wait till you see the sunset" sabi ni Blake

Nalaman kasi namin na sa kanya ang resort na ito. Sa age niya na 17, madami na siyang naging achievement because of modeling.

Ngayon, hinihintay na lang namin ang buong staff para sa photoshoot na gaganapin maya maya.

"Anjan na sila." sabi ni Blake

Kaya yun, ang gulo gulo na nagseset na sila sa dalampasigan tapos kami ni Blake inaayusan

"Ma'am Stella, wear this red two piece" sabi nung beki na nag aasikaso sa akin.

Red na red ang two piece na itnw at ang nakakaloka , de tali lang. Kailangan mahigpit ang pagkakaribbon baka mahulog , patay tayo .

Isinuot ko na, sinigurado ko na secured ang pagkakatali ko. Pumunta na ako ng seaside at lahat sila nakatingin sa akin lalo yung beki nakakunot at naniningkit ang mata niya.

"MA'AM NAMAN, BAKIT KA NAKA ROBE!" sigaw niya

Oo nakarobe ako, nahihiya kasi ako eh, hindi naman kasi ako sanay na nagsusuot ng ganito.

Hinanap ko si Blake at nakita ko siya naka summer look pero open yung polo niya.

*gulp*

Anim ang pandesal niya. Anim na kumikintab na abs. Hot pala talaga siya ,walang wala sa magazine. Mas okay sa personal.

"Ano, titig na lang ba, tanggalin mo na robe mo , malapit na lumubog ang araw oh" pang aasar ni Blake sa akin

Kaya tinanggal ko ang robe ko. Lahat napa "whoahw" except Blake and Jet.

I admit, maganda ang katawan ko para sa 15 years old,maganda din ang kutis ko. Ang scar lang na meron ako ay yung nasa dibdib ko na madali namang matakpan ng concealer.

"Start na tayo?" sabi ko kaya natauhan silang lahat

Nagsimula na kami sa photoshoot, yung mga kasama namin nakanganga lang hindi ko alam kung dahil ba sa napakagandang sunset o dahil sa nagaganap na photoshoot, walang nagsasalita bukod sa photographer na sinasabi ang pose na gagawin namin like "closer" o kaya naman "more intense dapat,"

"Blake, kunwari hahalikan mo si Stella" sabi ng photographer

Ngumisi si Blake at tumingin sa direksyon kung nasan ang tropa,naka thumbs up sila except Jet na hindi nakatingin sa amin. Nagtetext lang siya,katext siguro si Via.

Kaya ginawa na ni Blake ang sabi nung photographer.

"Nice, parang totoong totoo, now Stella kunwari tinatanggal mo ang polo niya but don't break the eye contact" sabi ulit nung photographer

Ganito pala ka intense ang photoshoot na to, napapatanong tuloy ako, bakit needed ang pictures na ganito? hindi ba pwedeng yung bote na lang ang kuhanan? Pero ako din naman ang sumagot ng tanong na yun. Para mas maibenta sa market, mas tangkilikin ng tao at para malaman nila na totoo ang sinasabi ng label ng pabango.

Temptation ang label nito kaya kailangang ipakita na kapag ginamit mo ay matetemp talaga sila.

"Hmm, parang kulang.." biglang sabi nung photographer "I knew it, dagdagan natin ang concept, bakit hindi natin gawin na two guys ang naakit sa girl." pagpapatuloy niya "You!" turo niya kay Jet

Hindi ko gusto ang idea ng photographer pero no choice. Kaya yun, ang nadagdag na character ay si Jet. Pinagpalit lang siya ng polo, at bukas lang iyon parang kay Blake, sa payat ni Jet may abs din pala siya.

"Better, okay . Stella kay singkit ka humarap eye to eye and you Blake, hawakan mo ang shoulders ni Stella as if you are going to kiss her neck"

Napatulala ako, eye to eye contact daw? Awkward yun di ba?? Awkward na masakit pa.

Ginawa ko pa rin kahit naiirita ako, and to my surprise, Jet kissed me. Smack lang pero matagal nakalapat ang lips niya sa lips ko.

"WOW, tapos na " sigaw ng photographer.

Itinulak ko si Jet, kinuha ang robe, isinuot at tumakbo, kahit saan na ako makarating.

What the hell was that for!!??

Wala sa instruction yun, pero ginawa niya. Lalo lang ako nasasaktan eh.

Kapag tinanong ko sa kanya yun, ano ang isasagot niya sa akin "Don't take it seriously, it's for the magazine."

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Akala ko ubos na to. Bakit ganito?

Kahit anong iwas ko, ganito pa rin ang nangyayari sa akin.

==================

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon