Chapter 13 *SM and BR*

868 18 0
                                    

*SM and BR*

====================

Jet's Pov

Medyo napuyat kami dahil sa launch kagabi tapos ang aga aga may nadodoorbell sa bahay namin..

Kapag si Angelin yan, bubulyawan ko talaga siya kahit mabulabog ang mga tao dito sa subdivision..

Bumaba ako para buksan ang pinto.. Pagbukas ko, nagsisi ako kung bakit ko binuksan..

" Ang aga aga mo naman Bruce! "

Oo, ung kapatid ko ngang pasikat yung dumating, ang aga aga tuloy badtrip ako.

" Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Saka anong maaga 10:30 na " sagot niya sa akin kaya pumasok na siya

" Ano bang kailangan mo? "

" Hindi ikaw, nasaan si Stella? "tanong niya sa akin

" Baka tulog pa, grabe pati sakanya nagpapasikat ka, ano bang mapapala mo sa ginagawa mo? " asar na tanong ko sa kanya

" Kaibigan ko si Stella, masama bang dalawin siya? "

" Ewan ko sa'yo Bruce, "

" Ayaw mo namang magpakasal sa kanya di ba? Ako na lang kaya?? "sabi niya at may pataas taas ng kilay pa

" Sa lahat ng sinabi mo, yan ang pinaka nagustohan ko, subukan mo kausapin si Papa, susuportahan kita "

======================

Stella's Pov

Ouch! Aray! Sakit! Saklap..

Dapat pala hindi muna ako bumaba, para hindi ako sinalubong ng masaklap na salita. Ipasa daw ba ako sa kapatid niya..

" BR! ang aga mo naman! " sigaw ko kunwari ay kakababa ko lang

" Hoy, hindi ka na nahiya.. tingnan mo nga itsura mo " sabi sa akin ni Jet.. ~ Author siya yata kontrabida dito eh

Ano ba itsura ko? MAGANDA! charing, Tiningnan ko suot ko, aii naka loose shirt lang pala ako, ang gulo pa ng buhok ko, nakakahiya kay BR,

" Ai, magpapalit lang ako ahh " sabi ko sa kanila

" Maganda ka, kahit ganyan ang ayos mo " sabi ni BR.. bolero much

" I know right, pero magpapalit pa rin ako "

Saka ako umakyat at pumunta sa kwarto ko, nagbihis,

Anung suot ko? Shirt and Short, nasa bahay lang naman ako eh, no need na ang magbongga ng outfit.. Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko kung anong oras.. quarter to 11 na.. Magluluto pa ako ng lunch kaya bumaba na ako..

" BR, dito ka na mag lunch " sabi ko kay BR na nakaupo sa sofa

" Okay lang ba? " tanong niya pero hindi ko alam kung sa akin o kay Jet.. nag nod na lang ako, pati si Jet

" Anong gusto mong ulam? I'll cook "

" Anything, kasi malamang kahit anong iluto mo masarap " sabi ni BR sa akin with matching his sweetest smile pa

" Two points ka na sa pambobola hah, yan ba natutunan mo sa China? bakit si Jet di yata marunong " sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya

" Tss.. "

No need to ask kung sino yan.. siya lang naman may language niyan eh.

" Afritada? " tanong ko , favorite kasi ni BR yun

" Sure, okay lang ba sa'yo yun John " tanong ni BR kay Jet

" Kayong bahala "

So nagpunta na ako ng kitchen at nagsimulang magluto, hindi ko napansin na sumunod din pala sa akin si BR

" Si Jet? " tanong ko sa kanya while I am cooking

" Daya, ako ang nandito iba ang hanap. hahaha de joke, maliligo daw muna " he answered

" I heard your conversation earlier, seryoso ka ba dun? " tanong ko sa kanya

He smiled " Yes, dead serious SM, kapag sinaktan ka ni John, gagawin ko yun " he said with a serious tone

" You like me?? " I ask again

" We can put it that way " he said and then he laughed

" Sira ulo ka BR, lakas mo mangtrip.. " sabi ko sabay bato nung patatas na hawak ko

" I didn't know you can cook " sabi niya

Gusto ko sanang isagot, " Pareho kayo nung kapatid mo, paano niyo malalaman eh kaya nga ako nagpaturo magluto para mawala ung lungkot ko nung iniwan niyo ko " pero ang harsh naman yan di ba kaya ang sabi ko na lang

" Now you know.. "

" At favorite ko pa talaga yung iluluto mo hah, "

" Bisita ka eh, " maiksi kong sagot sa kanya

" SM, do you love him? "

" Who? " I asked

" My brother, "

" I don't like him, I love him " I answered

Tumawa lang siya, as in tawang tawa talaga..

" Grabe, ang Hahaha seryoso Hahaha! "

Sira ulo talaga oh, tawa ng tawa..

" Tumigil ka na dyan, lagyan ko ng lason tong niluluto ko , sige ka "

"Sige, malalason din si John " sagot niya sa akin

"Magluluto ako ng iba.." sabi ko sa kanya

"Luuh, SM seryoso ka ba??"

Binato ko nga ng kutsara, Shunga eh

"Joke lang, adik ka"

"Nambabato ka pa ng kutsara, bad" sabi niya sa akin.. parang bata ah

"Tss" oh alam na kung sino yan

Nung matapos ako magluto, nag hain na ako at nagtimpla ng juice

" Wow, Ang sarap sarap naman, ang bango pa" sabi ni BR, with matching palakpak pa yan ah, isip bata talaga

Nagsimula na kaming kumaen, si BR grabe, patay gutom lang ang peg, kakaloka..

"John, bakit ayaw mo pakasal kay SM, sarap magluto, maganda, sexy, wife material, kung ayaw mo ako na lang" sabi ni BR kay Jet na umiinom ng juice, muntik nya ng maibuga yun, epic sana kapag sakto sa mukha ni BR di ba..

"SM, gayumahin mo kaya" baling niya sa akin

" Sinubukan ko na, walang epekto eh" sagot ko na ikinagulat ni Jet, as in yung singkit na mata niya, lumaki kasing laki ng tennis ball, pero siyempre O.A lang yun

" Tangek, joke lang " saka ko siya hinampas , tawa kami ng tawa ni BR, kasi huminga ng malalim si Jet nung sinabi ko na joke lang

The rest of the day, pinagtritripan lang namin si Jet, pikon na pikon naman siya, kaya ang cute niya

Nakakatuwa talaga kasama si BR, para akong may kapatid na lalaki.. hindi Kuya kasi mas isip bata pa sa akin yan,

Wala naman gusto sa'kin yan eh, ayaw lang niyang masaktan ako kasi nga magkapatid ang tingin namin sa isa't isa.Yung sinabi niya kanina, pwede niyang gawin yun, pero alam ko hindi mangyayari yun..

SM and BR .. friends lang talaga.. kasi si BR patay na patay kay Ate Angelin, secret lang natin ah.

=======================

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon