Chapter 19 <Outing>

802 14 0
                                    

Nung gabing yun, hindi na ako pumasok ulit sa bar. Nagpahatid na lang ako kay Blake sa bahay. Hindi sa bahay namin ni Jet. Sa bahay ng parents ko. Yung totoong bahay ko.

Tinanong pa ako ni Mom kung bakit ganun ang itsura ko. Siyempre maga ang mata ko dahil sa pag-iyak. Sabi ko na lang pagod ako at ayaw ko pag usapan saka ako dumiretso sa kwarto ko.

Kinaumagahan nga ng biyernes ay nasa bahay ang papa ni Jet.Tinatanong kung nag away daw ba kami ni Jet , ang sabi ko na lang nagkatampuhan lang. Ayaw ko naman mapagalitan si Jet ng dahil sa akin. Hindi rin ako pumasok ng friday. Tinamad kasi ako at gusto ko umiwas kay Jet. Sa kanilang dalawa ni Via.

Pero heto ako ngayon, kasama si Jet at ang tropa para sa photoshoot namin ni Blake na outing na din daw namin. Pasalamat na lang ako at hindi daw makakasama si Via. Kahit papano mababawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Mababawasan nga ba?

"Bessy, saan daw ba?" tanong ni Leila na katabi ko sa bus.

Yep, Bus ang ride namin, mini personalise bus ko. Hindi naman siya mini talaga kasi may C.R and cabinet dito para sa akin. Parang artista lang neh?

"Sa *toot* beach resort, malapit lang naman yun, 3 hours lang" sagot ni blake na nakahiga sa bed ko sa likod.

Yes, may bed nga .. personalize nga yung bus. Lahat ng nandito pakana ko lang.

"Ahh, excited na ako mag two piece" sabi ni Ate Angelin na nagpipigil ng excitement

"YUCK" sabay na sabi ni BR at Jet

Okay naman kaming ganito lang pero dahil sa sitwasyon namin ni Jet naging komplikado yung samahan naming lahat.

"Me too, me too, excited na ako mag two piece" sabi naman ni Leila kaya pinalo siya ng unan ni Alex

"Anong two piece ka dyan, babalutan kita ng kurtina kapag nag two piece ka, baka maglaway yung mga lalaki dun" sabi ni Alex, makasarili siya noh, gusto niya siya lang ang nakakakita ng sexy body ni bessy.

"Naka private naman yun para sa atin at sa staff para sa photoshoot at magazine" sagot na naman ni Blake.

Grabe,parang siya lang ang informed ng ganyan sa lakad na toh. Ang sabi lang sa akin may photoshoot, wala ng ibang information.

"Ang daya , bakit parang ikaw lang ang informed?" sabi ko sa kanya

"Eh paano naman masasabi sa'yo, umiyak ka ng umiyak da-"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil tiningnan ko siya ng masama. Akala ko nakatakas na ako, kaso itong Alex na may pagka insensitive nag react.

"Bakit ka umiyak?" tanong sa akin

"Nagkatampuhan kasi kami, di ba Babe?" pagliligtas sa akin ni Blake.

"Babe mo mukha mo, lumayas ka nga sa kama ko, hihiga ako" sagot ko sa kanya habang papalapit sa kama

"Tabi na lang tayo, ayaw mo?" sagot niya at nag pout pa, sagwa ng mukha niya kaya hinampas ko siya ng unan. Nagtawanan naman lahat ng kasama namin bukod kay Jet. Suplado eh, wala tayong magagawa

***

Nakarating na kami sa resort ng hindi ko namamalayan. Tulog ako sa biyahe eh, ginising lang ako nung nakarating na kami dito.

Infairness, ang ganda dito. White sand, malinis ang paligid, malinis ang tubig sa dagat, kitang kita ang reflection ng langit at nakaka refresh ng utak.

"Hmmm, fresh air" sabi ko habang nagmumuni muni dito sa duyan

Ang ganda talaga dito,kaso hindi pa gaano kilala itong lugar. Dapat sumikat na tong resort na toh. Nakakawala ng problema dito eh.

Pero hindi nakakawala ng sakit, lalo na kapag makikita mo yung lalaking mahal mo na hindi ka mahal na papalapit sa'yo.

Malabo ba? Hahaha

"Stella," sabi ni Jet pagkalapit niya sa akin at sumandal siya sa puno

"Hmm"

"Kakaen na daw" yun lang ang sinabi niya saka umalis na ulit

Bakit kasi kailangang siya pa ang tumawag sa akin?Nakakainis naman.

Kaya ayun naglakad na ako papunta sa Resthouse na tutuluyan namin for 2 days.

"Buti andito ka na,tatawagin pa lang sana kita eh, tara..kakaen na" sabi ni Blake sabay akbay sa akin.

Ibig sabihin hindi nila inutos kay Jet na tawagin ako? Ano yun? Concerned lang?

Nakakainis ang assumera ko masyado,

"What time ba ang photoshoot?" tanong ko kay Blake

"Ah, mamaya kapag palubog na ang araw , maganda kasi ang sunset eh"

"Para saan ba toh?" tanong ni Leila

"Ah para sa bagong perfume ni Stella, yung temptation" sagot ni Blake.

Ilalabas na pala nila sa market yun, hindi ko man lang alam.

"Oh my gosh, edi hot ka mamaya ?" tanong ni Ate kay Blake

"Yuck, don't tell me type mo si Blake, bata pa yan uy" sabi ni BR kay ate

"Eh ano? hot kaya niya" sagot niya na may halong pang asar .

Matagal pa pala ang photoshoot, 8 am pa lang eh..

======================

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon