Chapter 9 *Ate Angelin*

1K 25 1
                                    

*Ate Angelin*

===================

Monday na naman at sa kasamaang palad late na naman ako dahil yung moody na si Jet , hindi na naman ako ginising..

Pagdating ko sa class, ang sama na naman ng tingin sa akin ni Majimbu, ou yung prof ko nga .. pero hindi na ako pinarusahan kahit late ako, kaya pumunta na ako sa upuan ko at nagsimula ng magtanong si bessy

" Bessy, balita ko nameet mo na daw si Via at tinaray tarayan mo pa daw maganda ba siya? "

Sino naman kayang nagsabi sa kanya ng tungkol doon ,

" Sino naman nagsabi sayo niyan ? " tanong ko sa kanya

" Si John, kahapon nasa bar siya ni Alex eh nandun din ako yun pinag uusapan nila so ano maganda ba? "

" Ang ganda, ang gandang sapakin mukhang impakta " sagot ko at nakinig na kami kay Majimbu..

=========================

Breaktime, nandito kami sa cafeteria, katabi ko si Jet, katapat niya si Alex at katapat ko naman si Leila parang ganito oh

Me Jet

----------------

Leila Alex

Ganyan nga, wala lang trip ko lang ipaliwanag para cute hehehe..

Habang kumakaen kami, itong Alex na daldalero biglang nagsalita..

" So bro, anong reaction ni Via nung nagkita kita kayo kahapon? "

Binatukan na naman siya ni Leila, ang insensitive kasi niya eh halata namang ayaw pag usapan nitong emo dito yung tungkol dun. Ayan poker face tuloy siya -_-

Tinuloy na lang namin yung pagkain tapos biglang si Leila naman ang nagtanong para siguro mabrighten up yung atmosphere

" Bessy parang ngayon ko lang naamoy yang perfume na gamit mo , ano yan? "

" Ah, secret " sagot ko sa kanya at ngumiti

" Ang damot, ano nga? "

" Hala, secret nga as in SECRET ung label niya, baka next saturday ang launch nito pero baka July pa siya lalabas sa market, kaunti pa lang nagawa ko eh " sagot ko sa kanya

Natawa naman si Jet, pati siguro siya akala niya secret na ayaw ko sabihin yung meaning nun

" Pagpasensyahan mo na si Leila, hot chick ahh, minsan kasi tanga to eh "

Kilala niyo naman kung sinong natawag sa akin ng ganyan.. Binatukan siya nung dalawa, haay naku hindi na ako magtataka kong yang si Alex eh mabobo bigla, araw araw nakakatanggap ng ganyan eh..

Nung matapos na kaming kumaen ay bumalik na kami ng class, nasabi ko na ba course ko. BSBA major in Management..

Siyempre, gusto ko ako ang mamahala nung company namin pag nasa right age na ako..

Natapos na yung klase at uwian na namin..

" Stella, sabay ka na sa akin " sabi ni Jet

Weh? seryoso? eh lagi kaya ko iniiwan nito tapos lagi tuloy ako nagcocommute.. Lumapit ako kay Jet at kinapa ang noo niya..

" Wala ka naman lagnat, sinapian ka ba? bakit nag aaya ka ngayon " sabi ko

" Pumasok ka na lang sa kotse bago pa magbago isip ko "

Sarap talaga bigwasan nito oh! Mabait biglang magsusungit.. Masungit biglang babait.. Split personality ang peg nakakaloko..

" Eto na oh, sasakay na suplado " sagot ko sa kanya

" Brat! " sabi niya at nagdrive na

" Hoy., hindi ako brat noh! Kung brat ako dapat kasal na tayo " sabi ko, bigla siyang nagpreno at kamuntikan na ako mauntog buti nag seatbelt ako

" Ano? " sabi niya eh alam ko naman narinig niya eh

" Ang sabi ko kung brat ako dapat kasal na tayo dahil yun ang gusto ko pero dahil hindi nga ako brat, pumayag ako na sa 18th birthday ko na lang, oh malinaw na ba sayo " sabi ko sa kanya, oy di ako nagpapakacheap.. Sinasabi ko lang yung totoo, alam naman niyang may gusto ako sa kanya pero wala pa naman ako sa point na ipipilit ko sarili ko sa kanya..

Nakarating na kami ng bahay ng walang imikan at pumasok na agad ako sa kwarto ko para magbihis..

Ding dong!

Ai may tao.. sino naman kaya yun..

Ding dong, ding dong, ding dong.

Hala galit yata sa doorbell yun ah, dali dali ako bumaba at binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang isang babae na tuwang tuwa sa pagpindot nung doorbell namin, tumigil na siya at tumingin sa akin. Doon ko narecognize kung sino siya..

" ATE ANGELIN! OH MY GALIWAW NAKABALIK KA NA? KINAWAWA MO YUNG DOORBELL AH " sigaw at niyakap siya ng tumatalon talon pa.

Si Ate Angelin ay ang ate bff ko, umalis siya ng Pinas , 2 years ago.. sabi pa niya kaya daw siya aalis dahil " I need to find myself " oh di ba emo lang, pero kaya yan nagpuntang states para mag move on dun sa Jowa niya na pinagpalit siya,

" Aray, sakit sa eardrums, baka gusto mo ako papasukin sa malaki mong bahay "

Kaya pumasok na kami, ikinuha ko siya ng juice at sandwich para makapagmeryenda siya.

" Salamat sa meryenda, pero di yan ang ipinunta ko dito, gusto kong itanong kung totoong ikakasal ka na at kay tukmol pa talaga.." sabi niya tapos inom ng juice

" Nakarating ng states yan? Kaloka naman " sabi ko

" Oo, ang daldal kaya ni Tita Andrea " sabi niya, ang tinutukoy niya si Mom

" Stella, may bisi-ANGELIN?? " sabi ni Jet

" Hoy tukmol, ate mo pa rin ako 16 ka lang 19 na ako noh, Teka! Magkasama kayo ni tukmol sa iisang bahay? Naku isinuko mo na ba ang bataan? " sabi niya habang niyuyugyog pa ang balikat ko

" Ate, hindi, pakana to nila mama pero magkahiwalay kami ng kwarto , bata pa ako noh " sagot ko

" Sayang nga eh " sabi ni Jet at ngumisi pero alam ko inaasar niya lang si Ate Angelin kasi kung ate bff ko siya, mortal enemy naman sila ni Jet

" Hoy tukmol, umayos ka, iniwan mo si baby Stella noon, huwag mo na siyang iiwan ngayon saka wag mo siyang sasaktan.. sasamain ka sa akin "

" Ate naman eh," sabi ko

Oo , alam din ni Ate yun, kasi kaming tatlo magkababata tapos si Ate Angelin yung lagi nandiyan para sa akin mula nung umalis si Jet..

" Baby Stella, I'll go ahead na ah kasi bumisita lang talaga ako pero don't worry., mag bonding tayo kapag may time tayo pareho , hindi natin isasama yang si tukmol " sabi niya at niyakap ako .. at umalis na..

Maya maya nagsalita na si Jet.

" Para kayong magkapatid ni Angelin ang daldal niyo pareho "

" Paki mo, wag kang panira ng mood .. ang saya nga andito na si ate bff, narinig mo naman yung sinabi niya, kaya wag mo na akong iiwan " sabi ko pero parang nagsisi ako at sinabi ko yun.. awkward tuloy..

=====================

Jet's Pov

Natahimik ako bigla sa sinabi niya, yung Angelin na yun ang lakas maka impluwensya..

Hindi ko naman siya iniwan dati ah,

Sakit sa ulo nito, Wag ko daw siyang iwan pero kung ipipilit naman namin toh pareho kaming masasaktan, Kapag nilayuan ko siya masasaktan rin siya..

Anong gagawin ko, naku Angelin ang pasaway mo talaga kung ano anong sinasabi mo kay Stella..

==================

Dedicated to kay Angelin21..

Kaway kaway ka naman ate..

Vote and Comment

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon