Chapter 11 * Girl Talk *

840 20 1
                                    

Chapter 11

* Girl Talk *

======================

Jet's Pov

Hindi kami nagpapansinan ni Stella, biyernes na nga ngayon eh, Makausap ko man siya agad din siyang iiwas sa akin..

Alam ko dahil yun sa paghalik ko sa kanya..

Tanga na kung tanga pero hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa yun, siguro dahil alam ko na laro lang naman yun,

Pero alam ko naguluhan siya sa ginawa ko kaya iwas siya ng iwas sa akin ngayon, Mabuti na siguro to para hindi niya ako mahalin ng sobra at umatras siya kapag napagisip-isip niya..

=====================

Stella's Pov

" Jet,"

" Why? "

" Itatanong ko lang sana kung bakit mo ako hinalikan nun, pwde naman kumontra eh "

Gulong gulo na kasi talaga ako, kaya tinanong ko na sa kanya..

" It was just a game Stella, don't take it seriously"

Aray naman.. Saklap para akong pinag bagsakan ng langit at lupa sa sagot niya..

" Ganoon ba? " pagkasabi ko noon ay umakyat na ako sa kwarto, hindi na lang ako kakain ..

Sakit sa ulo eh, ung pakiramdam na yung first kiss mo napilitan lang na gawin yun..

Kring. Kring,

Ate Bff Calling. . . . . .

" Hello " sabi ko ng walang kabuhay buhay,

( Natanong mo na ba? )

At dahil alam ko na maya maya eh tatawag na din si Leila, conference call na lang..

" Ate, kausap din natin si Leila ah, ayoko kasi na ulit ulitin ung kwento eh " sabi ko

( Natanong mo na ba kay Jet kung bakit ka niya hinalikan ? ) tanong ni Leila..

" Oo, pero ayoko ng sagot niya eh "

( Bakit? anong sagot ni tukmol.. walangyang yan hindi naman sa kanya yung dare tapos siyang gagawa ang gulo tuloy.. ) sabi ni Ate Bff

( Oo nga, bessy, continue na ) sabi naman ni Leila

" Sabi niya kasi ehem ehem " It was just a game Stella, dont take it seriously" ginaya ko pa kung papaano ang pagkakasabi ni Jet

( AFJKLPTMWAU! )

Wala akong nagets sabay kasi sila nag salita eh,

" Ano? isa isa nga.. ate ikaw muna "

( Sabi ko " WAG NA WAG MAGPAPAKITA SA AKIN YANG TUKMOL NA YAN! PAPATAYIN KO SIYA" )

( Ang sabi ko naman " NAKU! SAPAK SAPAKIN KO KAYA SIYA PARA MATAUHAN SIYA " )

Natawa naman ako sa mga sinabi nila,

( Baby, sorry ah.. dapat hindi na lang ganun ung dare ko, nasasaktan ka tuloy ng ganyan ) sabi ni Ate through the line

" Hindi mo naman kasalanan ate, nag assume naman kasi ako na baka may gusto na siya sa akin kaya niya ginawa yun "

( Bessy, basta be strong hah.. saka hanap ka na lang ng ibang boylet, ang daming patay na patay sayo eh hinahayaan mong masaktan ka ng ganyan ng dahil sa kanya )

" Salamat girls ah, pero kasi mahal ko ata talaga siya.. tapos parang ang laking sampal sa akin nung napipilitan lang siyang maging fiance ako.. pero iba naman yung mahal niya "

( Umurong ka na lang kaya? ) sabi nilang pareho..

" Ayoko naman na mapunta siya kay Via, saka sabi ng parents namin kahit anong mangyari tuloy na "

( Yaan mo, kakausapin ko yan si tukmol kapag may pagkakataon )

( Bessy, alam mo naman love kita di ba? ayaw ko nasasaktan ka, kaya kung ayaw niya talaga sayo.. wag mo ng ipilit lalo ka lang masasaktan )

" Matagal pa naman ung kasal, madami pang panahon para magbago yung nararamdaman niya , "

( Stella, binalaan na kita hah ) sabi ni bessy

Ayoko ng pag usapan kaya iniba ko yung topic..

" Launch ng Secret bukas, wag kayong mawawala ah "

( Naman, )

" Sige, love love na "

Tapos inend ko na yung tawag..

Saktong bumukas yung pinto..

Di ko pala na lock.. ang shunga ko hehe

" Kain ka muna nagpadeliver ako ng food. " sabi ni Jet

Kita niyo na, di ba ang gulo niya. dapat nagpapaka cold na lang siya para hindi ako nag aassume ng kung ano ano..

=======================

Jet's Pov

Ang tagal niya bago bumaba, dapat magluluto siya ngayon ah, baka may ginagawa yun, magpapa hatid na lang ako ng pagkain,

Nung dumating yung food, umakyat na ako sa kwarto niya, nag aalala kasi ako baka malipasan siya..

Don't get me wrong huh, kaibigan ko si Stella, kaya nag aalala ako sa kanya,

Iniingatan ko siya dahil may pinagsamahan naman kami nung mga bata pa kami ,

Yun lang yun...

Nung sinabi ko sa kanyang kumaen muna, ngumiti siya saka bumaba..

" Punta ka ba sa launch ng secret " tanong niya sa aking ng lively..

" Oo, sabi ni Dad eh, saka escort mo daw ako "

" Escort? Kailangan ba yun? "

" Ewan,sabi ni dad eh, bahala na bukas.. "

" Oh sige sabi mo eh, pero Jet sana umasta tayo na okay tayo bukas, ayoko kasing madisappoint si Dad, ang gusto ko isipin nila na nag work yung plan nila " sabi niya

" Oo naman, saka okay naman tayo eh sino ba nagsabing hindi "

" Ai oo nga pala, hahaha "

Nagsimula na kaming kumain, hindi na ulit kami nag imikan.

Problema ko na naman bukas ay kung paano ako gagalaw? ng hindi na mimisinterpret ni Stella ang ginagawa ko..

=========================

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon