Chapter 2

1.6K 28 3
                                    

* Gets Mo Ba? *

========================

Riing. . . . .

Riing. . . . . .

Riing. . . . .

( Hello bessy, napatawag ka?)

" BESSY! GUESS WHAAT! "

( Hindi ako manghuhula Stella hah, kasama ko si Alex, istorbo ka lumabas pa ako ng bar kaya dapat may kwenta yang sasabihin mo )

" Okay, ehem ehem, kasi ipakakasal ako sa long time love of my life na si Jet, My gosh ANG SAYA KOOO "

^_^ itsura ko habang kausap si Leila, my Bff!

( You mean? yung kinekwento mo sa akin! Grabe 15 ka pa lang ikakasal ka na pwede ba yun )

" Gaga ka Leila, sa 18th birthday ko pa ang kasal, pero sa september na ang engagement GETS MO BA? "

( Alright, congrats magpapasakal ka na! haha charot lang. naku make sure na lalaklak ka ng gatas ah kase nasesense ko na hindi ka makakatulog, o kaya mag overdose ka ng sleeping pills, kailangan maganda ka sa pasukan , monday na yun kaya wag ka mag overthink tungkol diyan hah )

" Yes bessy, babush na, ah anyways may bago akong formulated na perfume , bigyan kita sa monday , see you bessy LoveLove, "

Lovelove, yun yung byebye namin. Cute noh.

Iinom nga ako ng gatas..

Grabe talaga.

Tutuparin ni Jet yung promise niya na pakasalan ako..

Kilig to the bone marrow naman ako.

Makatulog sana ako!

~ Lord, thank you talaga kaya Loves na loves kita eh.. Goodnight ~

==========================

Jet's Pov

Ang ingay dito sa bar, no choice ako eh pinepeste ako ng tatay ko ..

Aakyat na lang ako sa VIP rooms

" Bro, problemado ka yata? " sabi ni Alex sabay akbay sa akin

Alex, bestfriend ko yan at siya din owner ng

" Yeah, I need to marry Stella Marie Montenegro at iniisip ko kung paano ko maaawat ang tatay ko sa ideyang yun " sagot ko habang tinatanggal yung pagkakaakbay niya sa akin ang bading eh

" Yung hot chick na anak ng owner ng Montenegro Perfume Company, Bro kung ayaw mo , ako na lang "

Aish! Manyakis na bestfriend toh.

" Bro, kung iniisip mo si Via, Siya ang nang iwan kaya wala kang dapat ikatakot, ipinagpalit ka sa mukhang bisugo na captain ng basketball team ng school niyo , kaya ipagpalit mo din siya sa Hot Chick na miss Montenegro "

Via, ex ko na mahal na mahal ko.. sobra sobra.. pero niloko ako..

" Hindi mo ako naiintindihan Alex , madami akong isasakripisyo kapag nagpakasal ako sa kanya! Una , matatali ako sa babaeng hindi ko mahal, pangalawa magkaka utang na loob ako sa pamilya niya, Pangatlo lilipat ako sa F. U. , pang apat hindi ko na makikita si Via " litanya ko kay Alex

" In any case bro, ung F.U ba? Fab University? " takang takang tanong niya..

" Yata? " patanong na sagot ko ,

Ang gulo neh.

" Doon ako nag aaral,, dun din ba si hot chick? di ko alam yun ah " sabi niya

" Ang manyak mo talaga hot chick ka ng hot chick diyan " sabi ko

" Biro lang, certified Leila ako noh , Babe san ka galing " sabi niya sabay akbay kay Leila

Girlfriend niya si Leila, kahapon lang nagkita sila dito sa bar.. Astig noh

" Kinausap ko si Bessy, Alex sino siya? " tanong ni Leila

" Bestfriend ko, namromroblema ipakakasal daw kasi siya kay Stella Montenegro "

Kahit kelan, daldalero talaga tong si Alex, Gulat si Leila, at inabot ang kamay sa akin

" Oh my Goshbels, Ikaw si Jet! kakabalita lang sa akin niyan ni bessy " nagshakehands kami

" Best mo si Hot chick? "

Binatukan siya ni Leila..

" Leila, call me Richie , not Jet " sabi ko sa kanya

" Pasensya na hah, Jet kase ang kwento niya sa akin, Small world Richie "

Ngumiti na lang ako..

Ayoko naman ng Jet na nickname , makulit lang talaga si Stella nun.Jet daw kasi pangalan ng kuya ko Bruce..

Jet Lee at Bruce Lee..

Gets nyo ba?

Humarap ako kay Alex

" So bro GETS MO BA? " sabi ko

Tumawa si Leila..

" Pasensya na Richie, parehong pareho kasi kayo ng tinanong ni Bessy eh, bagay kayo "

Ininum ko na lang yung alak na nasa table..

Walang Kwentang Buhay toh!

Ayoko magpakasal kay Stella,

Si Via ang mahal ko!

GETS MO BA?

Yan yung mga gusto kong sabihin sa tatay ko pero parang wala na akong magagawa.. sana lang umatras si Stella.

================

Author's Note : Vote and Comment LoveLove.

My Fiance Is Not Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon