TRT.16 <3

4.4K 135 16
                                    

IAN's point of view

dumating ang araw ng Anniversary Celebration ng Chansu,pagdating ko sa meeting place ay dalawang bus ang nakaparada.

Marami rami pala kami,lahat ng crew at malalapit na kaibigan ay invited. Agad din akong lumapit sa isung grupo,ang tropa na masayang nagkekwentuhan habang naghihintay pa sa iba.

"Nasan ang mag asawa? Talagang pinaghandaan at pinag gastusan nila to ah" sabi ko ng makalapit.

"Nandun na sila sa loob ng bus kuya,nakikipag kwentuhan sa tropa nila" sagot ni Luwi.

"Ganon ba? San ba daw tayo?" sabi ko at pasimpleng tumingin sa paligid,wala pa kasi si Page,alam ko namang pupunta sya kahit papaano.

"Dun daw sa Resort ng pinsan nung Yuri? Private daw yon at tayo lang talaga ang o-okupa dun" sagot ni Koy.

"Ah.Kilala ko sila,nameet na namin sila ni Page dati" simpleng sagot ko naman. "Wala pa ba sya?" dagdag ko pa.

"Ay naku fafa Ian, I doubt kung payagan yon ng demonyitong si Byron" pagsagot ni Kooki.

"Naku dapat gumawa sya ng paraan,baka magalit sa kanya sina Boss" ani Kyoji habang naka akbay kay Barbz.

Nasan na nga ba si Page? Alas nueve na,baka maiwanan pa sya,hindi pwedeng hindi sya sasama.

"Guys! Sumakay na kayo! Aalis na tayo!" sigaw ni Argel habang nakasilip sa pinto ng bus.

"Wala pa si Page tol!" sagot ko naman. At parang milagro nakita sya ni Koy na nanakbo palapit sa amin.

"Pasensya na late ako" hinihingal nyang sabi. God! Lumalabas na naman ang sex appeal ng Page ko pag namumula.

"Buti at nakahabol ka,tara na" ani Koy at nagsisakayan na kami sa bus.

"Pasensya na,tumakas lang kasi ako,hindi ito alam ni Byron" aniya habang magkakasunod kaming naglakad sa loob. Walang sumagot sa kanya,marahil ay iniiwasang pag usapan si Byron at relasyon nila ni Page.

Damn! Ang sakit talaga pag iniisip kong may relasyon sila at may nangyayari sa kanila

Tulad nung nag EK ay ako ang katabi ni Page,bahagya lang syang tumingin at ngumiti. Ngumiti din ako,nararamdaman ko kasi malapit ng matapos ang lahat.

Habang umaandar ang na ang bus ay nagsipagkantahan ang mga ungas. Para bang tinutukso kami ni Page,lihim na lang akong napapangiti sa kalokohan ng mga impakto.

Sa likod naka pwesto sina Koy,Luwi,Pierre at kyme. Ang magkasintahang Kyoji at Barbz ay nasa likod lang namin.

Ang banda kong X-appeal ay nandito din at nasa bandang unahan sila. Sa kabilang side naman na katapat namin ay si Chai at Yume. Si Kooki nasa unahan nila mag isa,abala sa kakapindot sa IPAD nito na parang walang paki alam sa mga kasama niya.

Sa unahang upuan mismo namin ay ang Mag asawang Argel at Yuweh,sa katapat nila sa kabila ay sina Gelo at Yuri,sa unahan ng mga ito ang mga kanya kanya nilang mga tropa.

Makukulit,maiingay ang mga ito,hindi nakakapagtakang nagjive ang mga ugali nilang lahat.

Nilingon ko si Page,nakapikit na ito at nakasandal ang ulo sa bintanang salamin,dahan dahan akong umusog at inihilig ko ang ulo nya sa balikat ko.

"Wow pa emplis? Muling ibalik?" pagbuska ni Kyoji.

"Shut up! Walang pakialamanan" sagot ko at nagtawanan kami..

"Oh eto guys,mag throwback memories tayo" ani Pierre.

"Sige! Maganda yan! Ng mapagtawanan mga kalokohan natin noon!" pag sang ayon ni Luwi,sumang ayon din ang iba.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon