TRT.o1 <3

7.6K 157 13
                                    

Page's POV

Nagising ako na parang pagod na pagod ako. Unti unti kong minulat ang aking mga mata,medyo blurry pa. Naaninag ko ang imahe ng isang babae,at ng luminaw na,napagsino ko na ito.

"M-mom?" bakit nahirapan ako magsalita? Agad na tumingin sa akin si Mom na gulat na gulat, mas nagulat naman ako ng umiyak sya.

"Oh God! Thank you Lord!" nadinig kong bulalas ni Mom then may pinindot sya sa isang gilid. Intercom siguro.

Nagtaka man ako sa ikinilos ni Mom ay nagtanong pa din ako

"Mom? Nasan ako? Anong nangyari?"

Ngunit hindi sumagot si Mom,agad nya akong niyakap at saka humagulhol. Naguluhan ako? Ano ba ang nangyari?

"Mom?"

"I thought were gonna lose you like your Kuya Venn,nagsisisi na kami ng Dad mo sa pagiging sarado ng aming pag iisip,patawarin mo kami anak" umiiyak na sabi ni Mom at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Ano po ba ang nangyari? Nasan ako?"

"Nandito ka sa ospital anak,nandito tayo sa America. Tanda mo ba yung huling nangyari sayo anak?"

Dahil doon,inisip ko kung ano nga ba ang huling nangyari sa akin? At bakit nasa America kami? Maiintindihan ko pa kung ospital lang.

Naalala ko ang building, ako at ang babaeng kasama ko dun. Si Bubbles! At pagkatapos non nangyari na nga ang lahat after that wala na ako matandaan.

"Si Ian Mom? Nasan sya?" biglang tumulo ang aking mga luha dahil sa aking mga naalala.

"You'll see him one of these days,for the mean time you take a rest,mamaya dadating na Dad mo at si Kymn" nakangiting sabi ni Mom sa akin.

"Pero Mom,bakit tayo nandito sa America? At bakit parang gulat na gulat kayo kanina ng magising ako?" pangungulit ko pa din. Huminga ng malalim si Mom bago nag salita.

"Dahil sa natamo mong head injury anak ay na comatose ka"

Nagulat ako sa sinabi ni Mom,na comatose ako? Akala ko nakatulog lang ako?

"Na comatose ako?"

"Oo anak,for two years" sagot ni Mom.

And that revealation really shocked the hell out of me. Ganun ako katagal walang malay?

Agad din dumating ang Duktor at mga Nurse at ininspect at nag check sa akin. Pero tulala ako at iniisip pa din ang mga sinabi ni Mom.

Ng makaalis na ang doctor at mga nurse,nanghingi ako ng salamin kay Mom at agad naman nya itong iniabot sa akin

Medyo nagulat pa ako sa itsura ko,medyo humaba na ang buhok ko,para na ako talagang babae. Inilapag ko na ang salamin.

"Kailan tayo babalik ng Pilipinas Mom? Gusto ko makita si Ian at ang mga kaibigan ko" maya maya ay sabi ko. Hindi pa man nakakasagot si Mom ay bumukas na ang pinto at pumasok si Dad,Kuya Kymn at si Koy?!

"Totoo nga,sa wakas gising ka na Riley" ani Dad at bigla ako niyakap. Napangiti na lang ako dahil don. "Patawarin mo ako anak,naging sarado ang pag iisip ko,natakot kami ng Mommy mo na baka mawala ka din sa amin tulad ng kuya Venn mo" dagdag pa nito.

"Wala sa akin yon Dad,hindi naman ako nagtampo o nagalit,naiintindihan ko po yan,tapos na yon hwag na natin pag usapan" sagot ko,kumalas ng yakap si Dad.

"Salamat anak,at salamat sa Diyos"

"Kamusta ang sleeping beauty kong pinsan? Grabe natakot ako sa nangyari ah,parang naulit lang yung noon" ani kuya Kymn. Nangunot naman ang noo ko dun.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon