TRT.o8 <3

4.9K 139 15
                                    

Page's POV

"Teka nga! Byron ano ba? San mo ako dadalhin? May klase pa ako!" pumiglas ko sa pagkakahawak sa akin ni Byron,pero ang totoo gusto ko balikan ang tropa,hindi ko naman pwedeng pabayaan sila dun,baka kung anong ginawa na ng tropa ni Byron sa tropa ko.

"Sa langit" sagot nito,tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

"What? Wala akong oras makipag lokohan Byron.Sige na,may klase pa ako" sabi ko at aalis na sana,napatigil ako sa sinabi nya.

"Gusto kita Page"

Humarap ako sa kanya.

"Hindi mo alam yang sinasabi mo,kakakilala lang natin last week" sagot ko.

"I love You! God damn it! Nagseselos ako sa bestfriend mo at mga lalaking nakapaligid sayo! Shit!" gigil na sabi nito.

Natural nagulat ako,hindi ko lubos maisip kung paano? Oo nga at minahal ako ni Koy at mahal ako ni Ian pero hindi ko naman akalain na may iba pang nagkakagusto sa akin.

"Byron.."pa umpisa ko saka sya tinitigan. "Kaibigan lang ang turing ko sayo,ibaling mo na lang sa iba yang pagtingin mo sa akin,hindi maganda para sayo yan.Hindi magandang magkagusto ka sa isang bakla,pano ang image mo? Kaya mo bang maatim ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sayo? At saka hindi ka dapat nagseselos sa mga kaibigan ko,andyan na sila bago pa kita makilala" mahinahon kong dagdag,sana sa ganitong paraan ay maintindihan nya,ayaw ko magpaka ipokrito sa sarili ko,oo nga't napukaw nya ang atensyon ko sa taglay nyang kagwapuhan ngunit hanggang doon lang yon,si Ian lamang ang tinitibok ng puso ko,unendingly,sa kanya lang ako.

"I dont care at all Page,mahal kita at hindi mababago ng mga sinabi mo ang nararamdaman ko,you have a choice,be with me or loose your friends? Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko maghanda ka na. Ito na ang huling pagkakataon na hahayaan kitang makasama ang bestfriend mo at ang mga kaibigan mo,you dont know what Im capable of doing Page" buong tatag nitong sagot sa akin. Nalaglag ang mga balikat ko,nafrustrate ako,isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito... Impyerno.

"Pero Byron! Hindi mo ba inisip ang patutunguhan nyang ginugusto mo? Kahit piliin kita para hindi mapahamak ang mga kaibigan ko,mapapahamak pa din sila lalo na ako! Pag dumikit ako sayo para mo na akong pinag hukayan ng sarili kong libingan! Ramdam kong hindi basta basta yang Keisha na yan! Pati ang grupo mo! Kaya please lang spare me and my friends! Naranasan ko na lahat ng uri ng paghihirap at ayoko na yon balikan!" sagot ko naman.

Nagulat na lang ako ng makita ko sa mga mata ni Byron ang awa,lumapit sya,at mas nagulat ako pa ako ng may punasan sya sa mukha ko. Mga luha, hindi ko man lang naramdamang napaiyak na pala ako.

"Page,Im sorry,pero that wont change my decision,please be with me,and I promised you,walang makakapanakit sayo at sa mga kaibigan mo,basta iwasan mo lang sila,ako na din ang bahala kina Keisha" ani Byron at niyakap ako. For the longest time since ma comatose ako,ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kakaiba, na noon ay Ian at Koy ko lang nararamdaman.

I sigh,sawa na akong manahimik,lalabanan ko si Keisha,kung ala Bubbles sya at ang mga alipores nya,I have to be prepared and extra careful,ramdam kong may rason din ang tropa sa pag transfer dito sa Starville. Malaking gulo kung pipilitin ako ni Byron sa gusto nya dahil alam kong lalo mag ngingitngit si Keisha at alam ko ding hindi papayag ang tropa na angkinin ako ni Byron,ofcourse,si Ian ang pinapaburan nila,base na din sa palitan ng masasamang tingin ni Koy at Byron,ramdam kong magsasalpukan ang tatlong grupo. Napaka kumplikado na naman ng napasok kong sitwasyon,sana bumalik na si Ian :(

"Halika na,ihatid na kita sa room mo,nandun na si Toff,at tandaan mo Page,akin ka lang" anito at hinalikan ako sa pisngi which really made me not to move.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon