TRT.14 <3

4.1K 135 6
                                    

IAN's Point of view

Inubos ko muna ang lahat ng luha at sama ng loob bago bumalik sa mga kasama ko,gusto kong pag nagharap kami ulit ni Page ay makita nyang matatag at desidido ako sa pagbawi sa kanya.

Ng makabalik ako sa mga kasamahan ko ay masaya na silang nana nanghalian at nagkekwentuhan,nakita ko si Page sa lilim ng puno tahimik na kumakain,maging ang mga kaklase namin parang ilag na sa kanya,pero sabi ng iba ng ma accelerate at pumasok daw sya sa block nila eh madaldal daw ito at palangiti.

Damn that Byron! Ang laki ng tinanggal nya sa pagkatao ng mahal ko,pagbabayaran nya talaga ang lahat ng ito pag natapos ko na ang pagbawi kay Page.

"Oh Ian bakit ngayon ka lang? Akala namin nalunod ka na sa pagkuha ng tubig" ani Sir at lumapit sa akin.

"Kayo talaga Sir,naglibot libot lang ako,hindi ko namalayan kasi ang oras" nakangiti kong sagot.

"Okay class,tapusin nyo na yan para makapunta na tayo sa second destination natin" ani Sir,agad naman nagsikilusan ang mga ito.

"Sir,san ba talaga tayo pupunta?" tanong ng isa.

"Sa Enchanted Kingdom,kaya nga pinagdala ko kayo ng extra shirt" sagot ni Sir,nagsigawan sa tuwa ang mga pobreng estudyante,maging ako napangiti,napaka memorable sa akin ng lugar na iyon,sobra.

"Pano nga pala nangyari yon Sir?"

"Kasama yon sa mga binayaran nyo nung enrollment" sagot ni Sir.

Nag ayos na ang lahat at nagsimula ng maglakad pababa ng bundok,lahat halatang pagod,maging si Page,gustong gusto ko na sya lapitan at tulungan,pero naisip ko,mamaya na lang ako ulit kikilos.

Ng makarating sa Bus ay nag unahan pa ang mga ito,lahat gustong maka upo na at maka sandal,tulad kanina,si Page pa din ang katabi ko at wala pa din itong imik,pero may napansin ako sa kanya,umiiwas syang tingnan ako,at ng saglit kong matingnan ang kanyang mga mata,may nakita ako. Pagkalito.

Sakto alas quatro nakarating kami sa EK,kanya kanya silang grupo at partner. Napangiti ako ng walang kapartner si Page,kaya naman nilapitan ko na sya.

"Tara na,hindi ka makakapag enjoy kung tutunganga ka lang dyan" sabay hila sa kanya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!! Isusumbong kita kay Byron!" piksi nya,hindi ako tumigil sa paglakad pero nilingon ko sya at nginitian.

"Edi magsumbong ka bata!"

"Aba't?! Hoy! Hindi na ako bata! 19years old na ako! Pwede ba bitawan mo na ako" galit nyang singhal sa akin.

"Bata ka parin para sa akin kaya dapat sumunod ka,napapagod at naiinis na ako sa pambabalewal mo" sagot ko naman at patuloy pa din syang hinila,at nagtungo kami sa carousel.

"There! Ito una nating sasakyan" nakangisi kong sabi.

"What?! Ayoko! Hindi ako sasakay dyan! Pambata yan!" mariin nyang pagtanggi kaya natawa ako. "Anong tinatawa tawa mo dyan? Isusumbong talaga kita kay Byron" dagdag pa nya pero hinila ko na sya papasok..

Busangot ang mukha ni Page ng sumakay kami,iisang kabayo lang ang sinakyan namin,pumwesto ako sa likod nya,at nagsimula na itong umandar,niyakap ko sya mula sa likuran,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,namiss ko ito.Namiss ko syang yakapin,namiss ko ang amoy nya. Wala naman syang kibo na ikinatuwa ko.

"Mommy! Ang sweet nila oh?!" nadinig kong sabi ng isang bata,nilingon ko ito,katabing kabayo lang namin nakasakay,mag ina at nakaturo sa amin ang bata,nginitian ko ang mag ina.

"This is really crazy! I can't believe na sumakay ako dito" maya maya ay reklamo ni Page ngunit hindi ko sya sinagot.

Matapos ang ride sa carousel ay nagmamadaling umalis si Page kaya hinabol ko pa.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon