TRT.o4 <3

5K 150 11
                                    

AN/ Ang chapter na toh ay sisimulan ko sa POV ng bagong character at ng mga kaibigan nya,dont worry hindi kayo malilito dito :3. Bali nag start ito nung enrollment.

At PAALALA,MAIKLI LAMANG ANG CHAPTER NA TOH,PARANG INTRODUCTION LANG NG NEW CHARACTER,kung baga parang filler lang hahahaha! XD HAPPY READING ^o^

---*

Byron's POV

Ito ang ayaw ko talaga sa lahat,ang enrollment,napaka dyahe lang,kahit na pang mayaman tong Starville University dinadagsa pa din ng mga gusto dito mag aral,may iba mayaman talaga,yung iba nagpifeeling lang.

Mabuti na lamang at sinamahan ako nitong si Miles,isa sa mga tropa at gang member ko. Sikat kami dito sa campus,kinatatakutan,hinahangaan,kinaiinggitan at kinakikiligan. Bakit hindi? Walang pangit samin,gwapo kami lahat. Ang tawag sa Gang namin ay Black Roses.

At saka mula first year college ko dito itinanghal na akong Mr.Campus. Wala pa nakaka agaw ng title sa akin since then.

"Dude,eto tapos na,langya ka! Ako talaga pinapila mo,mabuti at madami nagpasingit sa akin" ani Miles sabay abot sa akin ng school schedule ko,pinasadahan ko ito ng tingin.

"Ayos tong schedule ko ah?" nakangisi kong sabi.

"Lagi naman ganyan sked mo,ayaw mo naman kasi mag full load gaya namin" sagot nito.

"Malamang,ako leader nyo kaya dapat iba ako" buska ko naman. Sa di malamang dahilan ay naagaw ang pansin ko ng dalawang lalaking pumila,no let me rephrase it,binabae yung isa at ewan ko kung bakit parang na magnet ang mga mata ko sa kanya at parang kinabahan ako na hindi mawari dahil bumilis ang pintig ng puso ko,ang weird!

"Dude? Hey! Langya! Hindi ka na naman nakikinig eh,tara na nga sa cafeteria" pag agaw pansin sa akin ni Miles at dun lang ako parang natauhan.

What was that? Taka kong tanong sa aking sarili.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ni Miles ng pumasok sa cafeteria ang bakla kanina pati yung kasama nyang lalaki. Napako na naman ang tingin ko dun sa bakla.

"Type mo?"

"Huh? Anong type?" taka kong tanong.

"Yung bakla kako type mo ba? Dun palang sa registrar tinititigan mo na eh" sagot ni Miles.

"Ewan ko,sa tingin mo,boyfriend nya ba yung kasama nya?" sabi ko na lang. Hindi ko din maintindihan nangyayari sakin.

"Mukhang hindi naman, pero hindi ko akalain na ang leader namin magkakagusto sa bakla hahaha" sabi ni Miles at sinamaan ko sya ng tingin.

"Sa loob ng tatlong taon na pag aaral natin dito at limang taon nating magkaibigan mukhang ngayon lang kita mabubugbog" pagbabanta ko at nakangiti naman ang gago na itinaas ang dalawang kamas na parang sumusuko.

"Biro lang,Relax ka lang Dude,so anong balak mo? Kilala kita,lahat ng babaeng ginusto mo at lahat ng bagay na ginusto mo ay nakuha mo" sabi nito na talagang kilalang kilala na ako.

Isang ngisi ang sinukli ko sa kanya.

"tsk tsk! Alam ko ibig sabihin ng ngisi mong yan. Mukhang exciting ang magaganap ah"

Magiging akin din ang isang iyon. Wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha.

Days passed,ang boring lang,mabuti at nakapaglilibang kami ng Gang ko sa pakikipag laban at pustahan sa ibang gang. Ganun naman lagi. Minsan malaking halaga ang nakasalalay,minsan naman mahalagang bagay lang.

I was really a pain in the ass for my parents when it comes to that matter,gastusero ako at basagulero,hindi lang iisang beses ako nakulong. Pero wala magagawa ang parents ko dahil kahit papano ay okay ang mga grades ko. Wala sila mairereklamo dun. And besides,its their fault kung bakit ako nagkaganito kaya wala silang karapatang pigilan ako sa gusto ko.

Then dumating ang araw ng pasukan. Excited ako dahil ngayon ko sisimulan ang balak ko. Luckily kita kong naglalakad galing sa Parking ang taong target ko,mula dito sa kinauupuan ko ay kita ko kung gaano sya ka graceful maglakad.

Kasama ko nga pala ang buong Gang,pero si Miles lang ang nakakaalam ng lahat. Tumayo na ako at sinalubong ang pakay ko. I know he cant resist me pag nagsimula na ako.

VOTE AND COMMENT if nagustuhan nyo po :3

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon