TRT.10 <3

4.7K 141 19
                                    

Third Person POV

Nung mismong gabing iyon pinagdiwang nila ang ika 19th kaarawan ni Page,kainan,kwentuhan at tawanan.

Napansin ni Page na biglang nawala ang grupo ni Byron,gusto nya sana makausap ang mga ito at magpasalamat sa pagpunta sa celebration ng kaarawan nya.

Nagpaalam sya sa tropa at kay Ian,nagtaka man si Ian ay pinayagan parin nya ito,hindi alam ni Page kung sino nag imbita sa mga ito pero magpapasalamat na din sya.

Lumabas sya ng Chansu, at nakita nya sa Parking ang mga ito,naninigarilyo habang nag uusap,huminga sya ng malalim bago lumapit sa mga ito.

"Byron" tawag pansin ni Page dito,nagulat pa sya ng tumingin sa kanya si Byron na parang namumula ang mata na kakagaling lamang sa pag iyak.

"Uy Page.happy birthday ulet" nakangiting bati ng lalaki,ang buong gang naman ay tahimik ngunit binalewala ito ni Page.

"Salamat,pasok kayo sa loob,makikain at makisaya sa amin" ngiting pilit ni Page.

"Hindi na,paalis na din kami,happy birthday na lang ulit" nakangiting lumapit si Byron kay Page at hinalikan ito sa labi.

--

"That fag! Pagkatapos nyang saktan si Byron ngayon magpapahalik sya! Nakakadiri talaga mga bading!" gigil na sabi ni Keisha na nakatanaw sa nagaganap kasama ang gang nya.

"Ano sunod mong hakbang?" ani Nephrine.

"Nanahimik ako at pinagbigyan ang hiling ni Byron na wag na galawin si Page na yan.Pero hindi ko gusto ang nakikita ko na nasasaktan si Byron dahil sa isang bakla! Pasensyahan na lang kami ni Byron pero hindi ko na palalampasin pa ang Page na yan,ang akin ay akin at ayaw kong nasasaktan ang pag mamay ari ko" gigil na sabi ni Keisha at nag singitian ang mga ka Gang nya na animo'y nabasa ang nasa isip ng leader nila.

---

Sinundan nina Ian,Koy at Kyoji si Page ng hindi na ulit ito maka balik,nakita nila ito sa parking na may kausap at umalis din ang kausap nito.

Labis ipinagtaka ni Ian kung bakit may kausap na lalaki ang Page nya at madami pa ang mga ito,hindi nya maiwasang magtanong sa dalawang kasama.

"Sino yon Koy at Kyojie?" kunot noong tanong ni Ian.

"Si Byron at ang Gang nya" sagot ni Kyojie na ikinalingon ni Ian dito.

"Gang? Bakit kausap ni Page?"

"Yup,and He's dangerous,malakas ang tama nya kay Page,and he is very eager na makuha si Page kaya ganun kami kahigpit magbantay kay Page" si Koy ang sumagot.

"Kelan pa to?" tanong ulit ni Ian at nag iisip na sya ng gagawin,tiwala sya sa pagmamahal ni Page pero hindi sya tiwala sa Byron na yon ,gagawa sya ng paraan, No one can take his happiness away from him again,not now,not tomorrow,never!

Nakalapit na sa kanila si Page sinalubong nya ito ng halik,pero napansin nyang nag iba ang dating nito.Ano kaya ginawa ng gagong Byron na yon?

----

Ganun na lang ang gulat ni Page ng bandang alas onse y medya ay dumating ang Mom at Dad nya sa Chansu para sunduin sila ni Ian na pinagtaka nya.

Saglit kinausap ng mga ito ang tropa maging sina Argel at Yuweh at umalis na sila.

"Ian will be staying with us for the mean time" sabi ng Dad ni Page habang nagmamaneho.

"Po?" ani Page na napakurap pa ng ilang beses.

"You heard it son,alam ko namang matagal kayong nanabik sa isa't isa,besides nasa tamang edad ka na" sagot ng Dad nya na nagpanganga talaga kay Page.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon