3. Invited by..

145 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula noon..

And..

The whole week na walang Ethan..

Ay parang ako na walang buhay..

Sobra sobra na ang nangyari sa akin..

Araw-araw para akong walang buhay sabi pa ng mga kaibigan ko naging zombie na daw si sunflower.. Yung dati daw kasing baliw,super energetic at maingay nilang kaklase wala ng kabuhay buhay ngayon..

Natry ko na nga din uminom kahit na sinasabi ko dati na walang kwenta ang mga taong umiinom kapag may problema..

Nalasing pa nga ako noon eh.. Nakakahiya siguro mga pinaggagawa ko nun.. ang naalala ko na lang ay nakauwi ako sa bahay namin na walang problema..Hindi ko maalala kung paano.. Pero wala na akong pakialam..

Buti na lang at wala ang parents ko dito sa Pilipinas kung hindi lagot ako sa mga yun..Pero sabagay masisisi ba nila ako..

Dalawang taon ko lang naman minahal yung lalaking yun eh..

Dalawang taon lang ang ikli noh?

"Tss. Nakakaloko." Bulong ko na lang sa sarili ko pag-upo ko sa sofa namin sa sala..

Mali pala..

Hindi pala dalawang taon lang..

Kasi hanggang ngayon.. Hindi pa din siya nawawala sa isip at puso ko..

Siyempre naman noh.. sobrang mahal ko yung tao..kaya nga mas pinili kong huwag makigulo sa kanya kung iyon na ang pinili niya.. kahit ako mahirapan huwag lang siya..

Parang shunga lang? =___= haaay. Ganun talaga ang pag-ibig eh..

Kahit na minsan nakikita ko silang magkasama  parang dinudurog sinasaksak at binubuhusan ng asido yung puso ko..(parang kanta lang)

Kahit na parang baliw lang ako na tutulo yung luha ko whenever they like..

Kahit na nagtransform na ako bilang isang zombie..

Kahit na gusto ko kotongan,bugbugin at sabunutan yung pesticide na babaeng yun kapag nagbebelat siya sa akin..Nakakaasar na nga nang-aasar pa.. ISA SIYANG ALAGAD NI MAJINBOO! BRUHANEZ! =__=.. nagtitimpi lang ako..

Kahit na ..

wala na akong maisip..

Hindi Okay.

Pero ayun eh.. :(

"Sulat po.."  Ayyy.. Epal si manong nag-eemote ako dito eh! =___=

"Haay.." Napabuntong hininga na lang akong pumunta kay manong para kunin ang mga sulat.. At ang nakapansin sa mga mata ko except sa mga bills ay ang mabango at magandang envelope na may white and skyblue na theme tapos may rose pa na design na favorite na favorite ko pareho.. 

Isang wedding invitation..

Kanino kaya galing eh wala naman na akong kamag-anak dito lahat nasa Canada na..

Huwag mong sabihing...

**Flashback**

"Alam ko nga magkasama yung pogi tapos yung papakasalan niya diyan sa bahay na yan eh..nakita ko kasi.." Babae2

"Alam ko girlfriend yan dati ni Ethan eh. Iniwan siguro kasi mas maganda yung bago." yung lalaki sa katapat ng bahay ni Ethan..

**End of Flashback*

The Desperate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon