4. Decision

153 2 0
                                    

Bukas na ang kasal nila..

At dahil diyan hindi ako makatulog..

Madaling araw pa naman ako aalis para makapunta na ng maaga doon..

Baka mamaya kasi abutin nanaman ako ng kamalasan at matraffic pa..

Pero bigla ko naalala kung anong date na bukas..

"Haay..Tignan mo nga naman talaga ang buhay.." nasabi ko pagharap ko sa kabilang side ng higaan ko..

14 na nga pala bukas..Valentines day..

at..

26th monthsary sana namin ni Ethan..

Teka lang..

Napapansin ko lang lahat ay may koneksyon sa akin ahh..

Fave kong kulay sa invitation,rose,monthsary, fave ko na resort namin, at beach wedding..

PESTICIDE talaga yang Alagad ni Majinboo na si Cass na yan ah!! Nakuu!! Sinakto niya pa talaga?

Hindi ba siya nakuntento?

Nakakainis! Grr.

Dahil sa kakaisip ko di ko na napansin na madaling araw na pala kaya naligo na ako agad at nagdesisyon na umalis na ng maaga.

Magbabus lang ako papunta sa Batangas kahit na may car naman ako.. Ayaw ko kaisng gamitin kasi naaalala ko lang yung happy memories namin ng pamilya ko..Sobrang miss na miss ko na kasi sila eh at dahil ako ang dahilan kung bakit ako nahiwalay sa kanila ay sobrang nalulungkot ako kapag naaalala ko ang car na binigay sa akin ng Daddy ko.

Nakarating naman ako sa bus station agad tapos nakahanap ako ng magandang pwesto malapit sa bandang dulo sa tabi ng bintana.. Ayaw ko kasi sa dulo medyo maalog doon eh..

Habang nakasakay sa bus..

Naisip ko.. Sa beach resort pa pala namin gagawin yun..

And since sa amin nga yun.. Ibig sabihin alam nila mama yun kasi sila nagmamanage ng mga resorts namin?

Nagtaka kaya sila kung bakit ganun ang nangyari sa amin ni Ethan?

Nakakalungkot.. Hindi man lang sila umuwi saglit dito sa Pinas.. :(

"Teka..Dapat mapuno ako ng positive vibes ngayun eh!" Sabi ko sa sarili ko sabay batok.. Napatingin pa sa akin yung katabi ko akala yata baliw ako.. =__=

"Hi Ate Ganda! Pwedi po ba palit pwestu? Gusto kachi Penpen dyan ih.." Sabi nung cute na anak nung Ale..

weeee~ Ang kyut kyut nung batang lalaki! Pati name..^^ Pero gusto ko rin dito ehh.. >.<

"Ahmm.. Dahil cute ka..Sige na nga ^^"  Tapos nagpalit kami ng pwesto nung mama niya bali ako na yung nasa upuan sa gitna ng bus..

"Waah! Chalamat po!!" Tapos hinug ako nung bata..  >//<

"Ay.. nako Stephen anak!Kay bata mo ma nantsing!"

Pft. Natawa naman ako sa sinabi nung ale haha!

"Hmf!" Sabi ni Penpen..

Tapos tumawa lang ulit ako sa reaction ni Penpen.. Haay. Naaalala ko sa kanya si Older bro ko :( Ganyan kasi kami nun eh..Close kami masyado.. :(

Natahimik naman na si Penpen nung tumagal kasi nakatulog sila ng Mama niya.. Ako tulala pa rin at patingin tingin lang sa loob ng bus.. Yung Driver pala namin napansin ko parang inaantok kasi bigla magbebreak kahit na wala naman nangyayari..Haay nako..Masama yun ah!

The Desperate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon