Ethan's P.O.V.
"Shit..This is my fault..I'm sorry ..Sorry Lorry.. Please naman huwag kang munang bibitiw.. Hindi ko kaya..Naaksidente ka pala.. Sorry..Sorry.." Naiiyak kong sabi habang nakahawak sa kamay ni Lorry nung tinatakbo siya sa Ospital..
Tapos pinaalis muna kami at bawal daw ang mga tao sa loob..
Chineck kasi kung ano na ang nangyari sa kanya..
Buti na lang at sinabi ng Doctor na nahimatay lang siya dahil sa sobrang fatigue at pagkahilo dahil sa aksidente..
Kung hindi.. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko..
Kasalanan ko kasi talaga ito eh..
Kung hindi lang..
Kung naging matapang lang ako..
Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya sa video na ginawa niya..
**Flashback**
Pagkaalis ni Lory..Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko..
Umalis na si Lory ko..
Wala na..
Wala ng kami..
Tinapos niya na..Dahil lang sa pesteng kasal sa taong hindi ko naman kilala..
Tinignan ko agad yung binigay niya sa akin at nakita kong may CD doon..pinanood ko agad kung ano ang nakalagay doon kasi baka may importante pala siya sasabihin at hindi nasabi sa akin..
"Ahhhmm..Hello Ethan Bakla ko.. Gusto ko lang sana sabihin sayo na Mahaaaal na mahaaal kita!" Tapos kiniss niya yung video cam
"Ahh..Alam mo ba..25th monthsary natin bukas at excited na excited na ako! Este kung natanggap mo na ito.. Gusto ko lang sabihin na HAPPY 25TH MONTHSARY BAKLANG ETHAN KO!! Eto nga pala yung picture nung gusto kong gawing cake para sayo ohh.. Nakasulat dyan. Sorry na.I love you. Peace :) hehe sorry kasi may pagkukulang ata ako sayo kaya ka parang naging cold sana bati na tayo kasi.." tapos umiyak siya..
"Kasi nasasaktan na ako sobra sobra kaya lang hindi ko masabi kasi baka kung ano sabihin mo sa akin ehh..I love you.. saka peace na.. please ^^ Tignan mo yung shirt na binili ko ang cute diba? Bagay sa atin..Fave color pa! Nga pala kakantahan kita ng fave song natin..namimiss ko na kasi kantahin sa iyo eh.." tapos kinanta niya yung 'If we fall in love ni Yeng at RJ..
“Sorry..”
Sorry Lory.. Iyak lang ako ng iyak habang pinapanuod yung video nya... parang bakla na nga ata ako talaga sa kakaiyak simula ng malaman kong ikakasal ako sa iba eh..Mula nung second anniversary namin.. Ang tagal kong tinago..Kasi ayaw ko siyang masaktan..Naging cold pa ako sa kanya para magalit na lang siya sa akin kaysa masaktan siya ng sobra..
BINABASA MO ANG
The Desperate Me
Romance"Love is a battlefield" Tama nga naman.. Lahat ng taong gustong maramdaman ang tunay na pagmamahal ay kailangang ipaglaban ito. Ikaw ba? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang minamahal mo? Kaya mo ba siyang ipaglaban kahit na ang kapalit ay kamata...