◍ 11: School Dance [Part 2]

4.3K 107 79
                                    

 [TENSHI]

This is it. This is the moment that we've all been waiting for.

School Dance na! 

Kanina pa ako palakad lakad dito sa kwarto ko dahil kinakabahan ako! Sabi kasi ni Sei-kun ay susunduin na lang daw niya ako. Akalain mo yun, sineryoso niya talaga yung sinabi niya na date daw niya ako! 

Shems. Mas nakakakaba pa to kesa yung pinasali ako sa Track & Field sa Intrams namin last year! Nako, kanda dapa dapa ako dun! 

Naka-100 laps na ako paikot sa kwarto ko ng makarinig ako ng kotse sa harap ng bahay namin, Baka si Sei-kun na yun!

*Ding Dong*

Si Sei-kun na nga yun! Wahhhhhh! Parang gusto ko ng mag-back out!

Pero Tenshi...kumalma ka lang....sasayaw lang kayo.... *inhale* *exhale*

Hindi pala ako marunong sumayaw!!! T^T

Feeling ko mapapahiya talaga ako ngayon!

"Ten-chan! Nandito na yung date mo! Bumaba ka na!" sigaw ng Mama ko.

Ito na talaga! Binuksan ko na yung pinto at unting unting bumaba ng hagdanan. Habang bumababa ako ay ramdam na ramdan ko ang mga titig nila sakin.

Heh! Nawala lahat ng kaba ko yung nakita kong nakatulala sila sakin! Alam ko naman na talagang irresistable ako ngayon sa aking simple but elegant na dress.

Turquoise yung color ng dress ko. May mga naka-burda na flower prints sa buong dress kaya nagigi-give off siya ng vintage feel. May black na ribbon din siya sa bandang waist. Fit na fit yung dress sakin. Buti na lang wala akong bilbil! (Ang hirap i-explain, tignan niyo na lang po sa gilid -->)

Ang panira lang ay yung heels ko. Ayaw na ayaw na ayaw ko kasi ng heels! Pahirap sa buhay!

Tinignan ko naman yung date ko ngayong gabi. Infairness, ang gwapo niya! O///////O  Naka-suot siya ng long sleeve na shirt pero nakatupi hanggang sa elbow niya. Tapos may nakapatong siya na Midnight blue na vest with a matching tie. Medyo naka-slicked back din yung hair niya. Ang astig niya! Nag gi-give off siya ng isang mala-mafia na aura!

Perfect Match kami! Hahaha!

''Yieee! Tulaley kayo sa beauty ko no!" pang-aasar ko sa kanila.

Nag-snap out na sila sa trance nila at ngumiti sakin. Syempre except si Sei-kun. Pero halata naman na nagulat siya sakin! O ha! Gandang di mo inakala!

"Ang cute mo Tenten! Mana ka talaga sakin! Kung ako gwapo ikaw maganda!" sabi ni Papa.

"Baliw ka talaga! Sakin mana si Ten-chan no!" sigaw naman ni Mama.

"Ah. Ma, Pa? Mamaya na lang po kayo magtalo diyan." 

Taming the Emperor's Heart (Kuroko no Basket Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon