◍ 29: Kicked Out?!

2.5K 67 37
                                    

[A/N: Marami-rami pong badwords so sorry kailangan lang talaga. Peace!]

[TENSHI]

"Sigurado ka ba Labs na ayaw mo pasapak sakin yang si Seijuro?" tanong sakin ni Shige. Actually ilang beses na niya tinanong sakin to pero syempre ayaw ko na gumawa pa ng gulo kaya lagi akong tumatanggi. 

"Ano ka ba Labs! Syempre hindi! Pero thank you at talagang hinatid mo pa ako sa Teiko. Umabsent ka pa tuloy." Kakagaling lang kasi namin sa bahay ni Shige. Naligo at kumain na ako dun para pag dating sa bahay namin ay magpapalit nalang ako ng uniform. Sobrang dami ng tanong sakin ng mga magulang ko pero buti nalang at kakampi ko si Shige. Sabi niya na-miss ko lang daw siya kaya ayun naniwala naman sila. Hashtag Medyo Bad Girl. Hahaha!

Pero sa sandaling pag-comfort sakin ni Shige ay napagaan na ang loob ko at tingin ko handa ko ng kausapin si Sei-kun ng maayos. Masyado din kasi akong nagpadala sa emosyon ko noon kaya nasipa ko pa siya dun sa ....toot ...niya.

Dapat pala talaga nagpapawala muna ng galit bago mag-usap dahil may kasabihan nga na *ehem* Ang galit ay pansamantalang bingi *ehem* Kaya kahit anong pag-uusap niyo kung galit ka ay wala ding mareresolba.

Yan sana may natututunan kayo sa Words of Wisdom 101 ni Tenshi-sensei. Hahaha!

Nasa harap na kami ng Teiko at alam na ni Labs na kailangan na niyang magpaalam. "Sige na Labs. Bye bye! Basta tandaan mo na laging nandito si Ogiwara Shigehiro, ang dakilang hopiang bestfriend mo, at your service!" sabi niya with matching salute.

"Hahaha! Bye Labs! Thanks ulit!" sabi ko sabay yakap sakanya. Pagkatapos ay naglakad na si Labs papunta ng Train Station.

*sigh* Kaya mo to Tenshi.

Pumasok na ako ng Teiko at dumiretso sa gym. Medyo na-late na ako para sa Morning Practice kaya pagdatin ko ay patapos na rin sila. Si Haru ang unang nakakita sakin. Agad niya akong tinackle sa isang napakahigpit na bear hug.

"Tenshiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! Na-miss kitang babae ka!!!!"

Agad naman tumakbo din si Momoi at niyakap din ako.

"Tenshiiiiiiiiiiii! San ka ba nagpupupunta?!?"

Sumunod na si Ki-chan na hinila si Tetsu na hinila si Dai-chan na hinila si Shin-chan na hinila si Mukkun kaya ayun naipit na ako sa isang napakalaking group hug na punong puno ng mga pawisan na basketball player.

"Guys! Damang-dama ko na ang pagka-miss at ang pagmamahal niyo sakin! Amoy na amoy ko pa nga eh!" 

Nagtawanan naman sila at isa-isa ng bumitaw sakin. "Grabe, tama ka nga Tenshicchi. Amoy na amoy ang pagmamahal namin sayo!" sabi ni Kise habang inaamoy-amoy yung t-shirt niya.

Tinignan ko yung buong gym at napansin ko na wala si Sei-kun. Bibihira lang kasi talaga na umabsent si Sei-kun sa mga training. "Umm, nasan si Sei-kun? May sakit ba siya?" tanong ko sakanila.

Taming the Emperor's Heart (Kuroko no Basket Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon