◍ 20: Broken Friendship?

2.9K 78 17
                                    

 [TENSHI]

"LABS!"

*ting!* Habang naglalakad na kami ni Sei-kun ang 'Special Someone' ko *ehem* pabalik ng Locker Room ng Teiko sa Arena ay bigla kong narinig si Labs. 

Kaya pala feeling ko may nakakalimutan pa ako kanina. Bigla kong naalala na hindi pa pala namin napag-uusapan ni Labs yung tungkol sa...you know what...

"San ka ba nagpupupuntang babae ka?!? Tatlong araw na kita kino-contact pero hindi ka nagpaparamdam!" sabi ni Labs habang yumakap sakin ng mahigpit. Binaon ni Labs yung ulo niya sa buhok ko. Damang dama ko na sobra siyang nag-alala para sakin.

"Labs...sorry dahil nag-alala ka ah... Pero don't worry bumalik na uli ako sa hyper state ko!" 

Para mapatunayan na hyper na uli ako ay tumalon talon pa ako habang yakap si Labs. Mukha kaming mga bata dito! Haha!

Bigla ko tuloy naalala yung childhood days namin....yung mga panahon na wala pa kaming problema...

---------------------------------------------------

Flashback....

"Hmmm, A B C D...Umm ano nga uli yun??" sabi ng isang 4 year old Tenshi habang nakaupo sa Park.

"E!"  sabi ng isang boses na galing sa isang batang lalaki.

Paglingon ni Tenshi ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Shigehiro. Ang childhood friend niya since birth.

"Shiweeeeeee!" sabi ni Tenshi habang papalapit kay Shige. Nung tuluyan na siyang nakalapit ay inilabas ni Tenshi ang palad niya. "Shiwe, pengeng kwendiii? Pweaseee."

'C-cute!' isip ni Shige.

Kumuha naman ng isang candy si Shige at binigay ito kay Tenshi. Dahil sobrang babaw ng kasiyahan ni Tenshi ay halos mag shine bright like a diamond na ang mata niya.

"Wahhhh! Tenchu Shiwe! I wuv you!" sabi ni Tenshi at yumakap kay Shige habang tumatalon talon.

Agad namang namula si Shige sa sinabi ni Tenshi. Kahit batang bata pa si Shige ay alam niya na ang 'I wuv you' ay sinasabi mo sa taong mahal mo.

"I-I wuv you too Twenshii! Alam ko na! Wuvs na lang ang tawag ko sayo, Twenshii!"

"Wuvs?? Ganda yunnn!"

"Wuvs...Pwamis mo na palagi tayong magkasama ah!" sabi ni Shige habang itinaas ang pinkie finger niya.

Inilapit din ni Tenshi ang pinkie finger niya at ipinulupot niya ito sa pinkie ni Shige at sinabing...

"We'll be together forever!"

---------------------------------------------------

Habang inaalala ko yung memory namin ni Shige ay nakalimutan ko na nakayakap parin ako sakanya. 

Taming the Emperor's Heart (Kuroko no Basket Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon