Noli Me Tangere

40.2K 159 2
                                    

SCENE 5

SETTINGS: SEMENTERYO

(Nakarating na si Ibarra sa sementeryo kasama ang isang matanda na utusan)

Matanda: Pasensya na po at hindi ko masyadong nadalaw ang libing ng iyong ama sapagkat ako po ay nagkasakit,bukod sa marami akong ginagawa...Sabi po ni Kapitan Tiago ay siya ang magpapagawa ng nitso. Tinamnan ko po ng bulaklak at nilagyan ng malaking krus ang kanyang puntod.Nandun! Banda roon po (Itinuro ito ng matanda)

Matanda: Nasaan na? Ang alam ko ay naririto lamang iyon (matatanawan ng matanda ang isang supultorero)... Ah! Ang mabuti pa ay magtanong na lamang tayo duon sa Supolturero.

(Lumapit sila sa mga tagapaglibing at....)

Matanda: Magandang araw sa iyo,ginoo. Magtatanong lamang sana kami kung may napansin kayong libing,may palatandaan itong malking krus. At noon ay nakalibing banda duon.

(Titingnan ng tagapaglibig ang itinuturo ng matanda at mapapaisip...)

Tagapaglibing2: Isang krus po ba na malaki na may nakaukit na dibuho at natatalian ng yantok? At ang libing ay natatamnan ng mga bulaklak?

Matanda: Oo yun nga! Maaari niyo bang dalhin kung nasaan ang libing na yuon?

Tagapalibing2: Yun ba?! Eh sinunog ko na ang krus nun eh (sagot nito na wari'y tinatamad)

Ibarra at matanda: Sinunog?!

Ibarra: Bakit mo sinunog?!

Tagapalibing2: Dahil ito ang sabi ng kurang malaki. Yung kurang namamalo,si Padre Garote. (sagot nito na halatang natatakot na)

Ibarra: Kung gayo'y nasaan na ang puntod ng aking ama? Siguro naman ay naaalala mo kung saan siya nakalibing.

(Bahagyang natawa ang tagapaglibing)

Tagapalibing2: Ngunit wala na ang bangkay na sinasabi niyo diyan. Hinukay ko na ito at inutos sa akin ng kurang malaki na ilibing ito sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil nga malakas ang ulan ng gabing iyon ay.....

(Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili,hinawakan niya ng madiin ang tagapaglibing sa kanyang bisig at niyugyog...)

Ibarra: At ginawa mo naman?!

Tagapalibing2: H-hindi ko po n-nagawa iyon,kaya huwag na kayong magalit. Naisip kong itapon na lamang sa ilog ang bangkay kesa mapasama sa mga Intsik.

(Idiniin pa lalo ni Ibarra ang pagkakahawak sa tagapaglibing at...)

Ibarra: Ikaw ay isang sawimpalad!

(At tumuyan na itong umalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad si Ibarra ay natanaw niya si Padre Salvi,bigla na lamang nandilim ang paningin niya at....)

Ibarra: Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?! (Sambit nito habang hawak ang padre sa magkabila nitong balikat-madiin ang pagkakahawak nito. Unti-unting napalunod ang pari sa ginawa ng binata)

Padre Salvi: Wala akong ginagawa sa inyong ama.

Ibarra: Anong wala! Magsabi ka ng totoo! (Mas lalo pa niyang dinianan ang hawak sa padre)

Padre Salvi: Wala po talaga akong ginawa. Baka po ang kurang pinalitan ko na si Padre Damaso ang tinutukoy niyong may nagawang masama sa inyong ama.

Ibarra: Ah! (Napasapo sa kanyang ulo si Ibarra at mabilis na siyang lumisan. Iniwan niya ang padre na nakalupasay sa daan,tinulungan naman ng matandang utusan ang padre upang makatayo ng ayos.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon