Noli Me Tangere

31.5K 106 3
                                    

SCENE 13

SETTINGS:KUMEDOR-HAPAG KAINAN

(Isang marangyang pananghalian ang pinagsasalusaluhan ng mga mamamayan sa San Diego. Nang may natanggap si Kapitan Tiago na isang telegram na ibinigay sa kanya ng isang kawani ng telegrapo.)

Kapitan Tiago: Mga padre,ginoo at binibini. Ipagpatawad niyo ngunit kailangan ko ng umalis. Nagpadala ng telegrama ang kapitan heneral at siya ay dadarating mamayang ikaapat ng hapon. Kailangan ko pang magayos sa bahay para sa pagdating niya,sapagkat sa tahanan ko siya tutuloy. Paalam

(At kumaripas na ng takbo si Kapitan Tiago. Ilang saglit pa ay dumating si Padre Damaso binate siya ng lahat maliban na lamang kay Ibarra na nagulat sa pagdating nito. Masiglang pinuntahan ni Padre Damaso ang isang bakanteng upuan ngunit agad siyang napasimangot ng makita niyang nakaupo si Maria sa gawing kanan ni Ibarra.)

Padre Damaso: Oh, ano nga pala ang inyong pinaguusapan nuong ako'y hindi pa nadating?

Alkalde: Binabanggit po ni Ginoong Crisostomo ang mga taong tumulong sa kanya sa pagpapatayo ng paaralan at ang arkitektong gumawa ng plano.

Padre Damaso: (Matatawa) Balewala sa akin amng mga arkitekto. Natatawa ako sa mga taong kumukuha pa ng serbisyo sa arkitekto,ipinapakita lamang nila na sila ay mga mangmang. Ako nga, ako lang ang nagplano ng simbahan natin.

Alkalde: Pero kailangan ng isang eksperto upang makapagpatayo ng isang gusali gaya ng paaralan.

Padre Damaso: Eksperto? Nagbibiro ka ba? Ang paaralan ay binubuo lamang ng ng apat na pader at isang bubong na sawali. Diba napakadali,tapos kailangan pa ng isang dalubhasa? Hahahahaha. Nagpapatawa ka nga talaga ata,ginoo.

(Lahat ng tao ay napatingin kay Ibarra, ngunit nanatiling walang kibo si Ibarra at kunwari ay abala sa kanyang kinakain.)

Padre Damaso: Tingnan mo nga naman ang mga indyo, kapag natuto ng kaunti ay masyado ng nagiging palagay at mayabang. Silang lahat ay hindi nararapat sa mundong ito. Kaya naman pinarurusahan ang mga magulang ng mga iyan. Ha! Nangamatay sa piitan.

(Hindi na napigilan pa ni Ibarra ang sarili at nilundagan na niya ang padre.)

Ibarra: Bawiin mo ang mga sinabi mo. (Sabi ni Ibarra habang nasa itaas ni Padre Damaso at habang kinukwelyuhan ito.)

Padre Damaso: Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko ah. (Sambit ng padre na may halong panunuya sa tinig niya.)

(Labis na naginit ang ulo ni Ibarra at aambangan na sana niya ng suntok ang padre ng....)

Maria Clara: Crisostomo! Tama na! (Sigaw ni Maria habang hinihila palayo si Ibarra ngunit ayaw paawat ni Ibarra kaya kailangan pang tumulong ang ibang bisita magawat lamang ito.)

Ibarra: Hindi masamang tao ang ama ko!!!! (Sigaw niya kay padre Damaso habang nagpupumiglas sa mga umaawat sa kanya. Si Padre Damaso naman ay nakaupo na sa sahig at pinapakalma na ni Padre Sibyla.)...Isang marangal na tao ang aking ama. Mabuti siya,ang nais lamang niya ay mapabuti ang kanyang bayan.

(Kumuha ng kutsilyo si Ibarra at ilalapat na sana niya kay Padre Damaso ngunit biglang pumagitna si Maria kaya unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Ibarra sa patalim na hawak hanggang sa nabitawan niya ito. Tila natauhan siya.Gulong-gulo ang utak ni Ibarra napatakip siya sa kanyang mukha at patakbong nilisan ang lugar.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon