Noli Me Tangere

35K 127 5
                                    

SCENE 10

SETTINGS:LANSANGAN

(Namamasyal sina Maria at Ibarra kasama ang mga kaibigan ni Maria hanggang sa may nakita si Maria na isang matandang ketongin na nakanta habang naggigitara.)

Maria Clara: Sino ang kahabag-habag na taong yuon?

Iday: Ah may apat na taon na siyang ganyan. Naninirahan siya sa mga libingan ng mga Intsik. Ang sabi ng iba ay nahawa siya sa sakit ng kanyang ina,ang sabi naman ng iba ay nakuha niya iyan sa loob ng bilangguan. Lumalayo siya sa mga tao ngunit minsan ay pinapapalo siya ng kapitan.

Maria Clara: At bakit naman pinapapalo siya?

Iday: May iniligtas daw kasi siyang isang batang nahulog sa kanal. Ang sabi ng kapitan ay mas mabuti pang mahulog ang bata sa kanal kaysa magkaroon ng ketong.

(Halong nahabag si Maria sa matanda at nilimusan niya ito ng kanyang kwintas na kabibigay lamang sa kanya ni Kapitan Tiago.)

Victorina: Bakit mo ginawa iyon Maria?

Maria Clara: Kase wala akong kayang ibigay sa kanya kundi yuon lamang.

(Biglang darating si Sisa mula sa kawalan at hahawakan ang kamay ng ketonging matanda.)

Sisa: Tara,magdasal tayo sa simbahan hahahah. Alam mo may mga anak ako. Dalawa sila at sadyang mababait hahahah (At magsasayaw si Sisa na parang baliw.)

Maria Clara: Crisostomo akala ko bay may ginagawa kang paraan upang matulungan ang babaeng iyan.

Ibarra: Sa ngayon ay wala pa akong nagagawa. Pero nakausap ko na ang kura at handa niya akong tulungan.

(Mapapansin ni Ibarra na hinihila ng mga guwardiya sibil si Sisa kaya...)

Ibarra: At saan niyo siya dadalhin? Bakit niyo siya hinuhuli? May kasalanan ba siyang ginawa?

Kawal1: Malinaw na malinaw ginoo na nanggugulo siya kaya namin siya hinuhuli.

(Nilisan na nina Ibarra ang lugar at bumalik na sa kanilang tahanan.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon