NAGLALAKAD si Igneous at natutuwang pinagmamasdan ang kanyang nilikha. Ang mundo ng Meira. Ngunit naisip niya na parang may kulang? Mag-isa lang siya. Sino ang aking taga pamahala ng aking mga banal na alaala? Sa kanyang pagiisip, napagod siya at naisipan niya munang magpahinga.
Namahinga siya sa ilalalim ng puno. At sa sobrang tirik ang araw pinagpapawisan siya. Pinahiran niya ang kanyang pawis. Pagpahid niya ng pawis sa kanyang noo, nabasa ang kanyang kamay ng likido at pinagpag niya ito. Tumalsik ito sa isang bulaklak na kulay puti. Mga ilang segundo nagporma ito ng isang pigura at naging isang nilalang nagkaroon siya ng kumpletong bahagi ng katawan at isa siyang babae. Napakaganda niya.
Natuwa si Igneous at nginitian niya ang babae. At nagwika siya.
"Ikaw si Leona ang taga pamahala ng aklat ng pagbabago."
Ginawa niya ulit iyon at tumalsik ulit sa mga iba't ibang uri ng bulalak ang kanyang pawis.
Lumitaw ang tatlo pang mga diyosa.
Ang kulay lila na bulalak ay pinangalanan niyang Euthalia. "Ikaw ang taga pamahala ng Orasa."
Ang Asul na bulaklak ay si Ohena. "Ikaw naman ang taga pamahala ng talata ng buhay at kamatayan."
At ang pulang bulalak ay si Heiria. "Ikaw naman, ang taga pamahala ng susi ng kapayapaan. Malaki ang katungkulan ko sa'yo Heiria, ang susi na 'yan ang magpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo ng Meira."
"Opo, Shamhalas Igneous." (Shamhalas- Lord o Bathala tawag ng mga taga Meira)
Sinama sila ni Igneous sa templo Derevias ang templo sa langit kung saan namamalagi ang mga diyos.
"Kayo ay magkakapatid kaya pantay pantay ang tingin ko sa inyo. Alagaan niyo ang mga banal na alaala na 'yan at huwag niyong pahintulutin na mapasakamay ito ng masasama." Wika ni Igneous sa mga diyosa.
Sumang-ayon ang mga diyosa at tinago nila ang mga banal na alaala sa walang sino man ang makakakita.
***
"Leona, bilisan mo." Pagmamadali niya ni Heiria.
"Sandali lang naman, Heiria," sambit ni Leona.
"Kay bagal talaga. Mahuhuli na tayo. Ngayon pa naman ibabalita ni Shamhalas Igneous sa mga Junea at Jura ang bagong hari at reyna nila. Kaya dalian mo na riyan." Hinigit ni Heiria si Leona at tumakbo na sila patungong 'Saris' isang lugar sa Derevias kung saan ang lagusan papuntang mundo ng Meira.
"Ayan na sila!" Tawag ni Ohena at kinawayan ang mga kapatid niya.
"Nahuli nanaman kayo Leona at Heiria," wika ni Igneous.
"Pasensiya na po mahal na Shamhala. Ako po ang may kasalanan," nahihiyang tugon ni Leona.
"Sige. Ayos lang. Tayo na't pumunta sa Meira," wika ni Igneous.
Nagtungo ang diyos at mga diyosa sa Meira. Nakapunta sila sa Rimesierra iyon ang tinawag ni Igneous sa lugar. Tinayuan niya ito ng palasyo. Ito ang magiging sentro ng Meira at maghahari dito ang Hari at Reyna ng Meira. Upang mapanatili ang katahimikan sa mundong ito.
Bago pa man likhain ni Igneous ang mundo ng Meira, may mga nakatira na rito. Ang mga Merillian. Sila ang unang tao sa mundo ng Meira. Wala silang kakayahan o kapangyarihan. Kaya para mabuo ang mundong iyon na pantay-pantay. Nagpakalat siya ng mga butil ng hiyas ang bawat kulay ng butil ay taglay na kapangyarihan at itatalaga ka kung saan ka nabibilang, ang iba sa kanila ay hindi nakakuha kaya nanatiling mga alipin na nagkaloob ng hiyas na elemental. Kaya naman nagkaroon na rin ng iba't ibang lahi ang mga dugong bughaw ay tinawag na Junea at Jura naman sa kalahati. Ang mga hiyas na pinakalat ni Igneous ay nagpasalin-salin na sa mga lahi ng nakatira roon at ang mga nilalang na nakatira roon ay naging mga sakim sa kapangyarihan. Dahil sa ayaw ni Igneous na maging magulo ang mundong kanyang nilikha naisipan niya na magtalaga ng mga mamumuno sa Meira.
Nilikha niya rin ang mga Sheeva na magbabantay sa apat na trangkahan ng mundo. Sila ang taga pag bantay sa labas ng lagusan ng Meira para walang makapasok na masasamang loob sa mundo. Ang mga Sheeva ay malalakas at sila ay may basbas ni Igneous. Kidlat ang kanilang mga kapangyarihan.
NALIKHA na nga ang maghahari sa Meira. Mula sa kaliskis ni Igneous kumuha siya ng dalawa at ginawa niya itong kawangis ng mga Merillian at mga nilalang na nakatira sa planeta na tinatawag na Earth.
Nang matapos ang paglikha, sinalubong ng mga nilalang sa Meira ang pagdating ng kanilang bagong hari at reyna. O tinawag nilang Eishym at Eisheer. Pinagdiwang ng mga taga Meira ang paglikha ng kanilang pinuno.
Kasabay nito nagdiwang din sila Igneous sa Derevias.
"Masaya ako at sa wakas magiging maayos na rin ang lahat," masayang sinabi ni Ohena.
Napansin naman ni Heiria na walang imik kanina pa si Euthalia. Kaya naman tinanong siya ni Heiria.
"Ano'ng problema, Euthalia?"
Agad naman narinig ni Euthalia ang tanong ng kapatid kaya naman, sumagot siya agad. "Wala... ayos lang naman.. Huwag niyo akong alalahanin." Boses ay may pag-aalala.
"Sigurado kang maayos ka? Kanina ka pa kasing walang imik." Pag-aalala ni Leona sa kapatid dahil hindi sanay sila na tahimik si Euthalia. Siya ang pinaka madaldal sa kanila.
"Euthalia, hindi ka ba nasisiyahan sa mangyayari?" tanong ni Igneous.
"Isa kasing... pangitain... Isang pangitain at may nagsalita mula sa langit ng Derevias." Kinakabahang sinabi ni Euthalia.
"Langit na ang Devias, Euthalia. Ano bang pinagsasabi mo?" Medyo tinaasan ni Heiria si Euthalia.
Kumunot-noo si Igneous at nagtitinginan naman sila Leona at Ohena na nangungusap ang mga mata.
"Euthalia. Ano ang iyong nakita?"
malaking tanong ni Igneous.Bumugtong hininga siya bago magsalita. "Shamhalas, mababalot sa kasamaan ang mundo ng Meira, pero hindi ko alam kung kailan. Isa lang pangitain ang aking nakita sa panaginip," mahinahong tugon ni Euthalia.
"Panaginip? Nahihibang ka na Euthalia!" Tumaas naman ang boses ni Heiria. Siya ang pinakamatapang sa kanila.
Lumungkot ang mukha ni Euthalia dahil nagagalit sa kanya ang kapatid niya.
"Tama na ito. Euthalia, kalimutan mo muna ang iyong nakita. Maari pa nating mapigilan iyon," wika ni Igneous.
"Sa.. sa paanong paraan, Shamhalas?" Tanong ni Euthalia na ang boses ay puno ng pag-aalala.
"Gaya nga nang sinabi ni Shamhalas, kaya pa natin mapigilan 'yang kung ano mang nakita mo." Si Heiria ang sumagot, at tumayo siya sa kinauupuan at umalis sa may bulwagan kung nasaan sila nung mga panahon na 'yon.
Lalong nalungkot si Euthalia dahil sa inasal ng kapatid niya sa kanya. Para sa kanya napakasakit dahil bigla nalang nagsungit sa kanya ang kanyang kapatid na si Heiria.
Pinuntahan ni Leona si Ethalia at hinimas ang likod nito, at nagwika. "Hayaan mo muna ang kapatid nating si Hieria. Kaya siguro ganoon ang inasal niya, napagod lamang iyon."
"Oo nga Euthalia. 'Wag mo nang alalahanin si Hieria. Bukas, magiging maayos na ulit siya. Hayaan nalang natin muna siya ngayon."
Sumang-ayon nalang si Euthalia sa mga kapatid. Ngunit sa loob niya... Naguguluhan siya. Hindi pa naman malinaw ang pangitain niya pero nararamdaman niya na magaganap ang kanyang kinakatakutan.
*******

BINABASA MO ANG
Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)
FantasyWhat's inside the fifth gate? Sa mundong ginagalawan ko, lingid sa aming kaalaman na may isa pa palang lagusan ang Meira. Saang mundo kami dadalhin kapag ito ay nagbukas? Ano ang dala nito? Kapayapaan at katabutihan o kaguluhan at kasamaan? Start da...