VI- Elofrias

1K 38 2
                                    

Eiron's POV

Archaelya ang kanyang pangalan. Hindi ko malaman sa aking sarili na hindi ko maiwasan na humanga sa kanya. Napakaganda niya. Kulay lila ang kanyang mata. Makinis at mala porselanang kutis, mahahabang mga pilik mata at magagandang mga labi. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang nanghina ako nang makita ko siya.

Nanginginig ang aking mga palad nang inabot niya sa akin ang kanya. Para makipagkamay.

"Ay! Pasmado ka! Basa!" Reklamo niya.

Hindi naman ako pasmado. Wala rin akong alam kung bakit bigla akong pinawisan. "Pero kahit na ganyan ka. Sige kakaibiganin pa rin kita." Nakangiting wika niya sa akin.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo Archaelya. Napakabait mong bata." Si Daratheos ang nagsalita.

Nginitian ako ni Archaelya. Hindi ko naman maalis ang tingin ko. Dahil iyon ang pinakamagandang ngiting nakita ko sa tanang buhay ko. Napakaganda, napakagaan at napakabanayad. Ano'ng nangyayari sa iyo Eirion? Ano'ng pakiramdam ito? Nanatili kaming tahimik nang magsalita si Daratheos.

Binasag naman ni Eishym ang katahimikan nang siya'y magsalita "Ipapahanda ko na ang damit mo Neon, at malinis ka ng katawan mo."

Tumingin ako sa salamin,  parehas na ako manamit ng mga taga Middle Kingdom. Kung nandito lang sina Leonille at Saidee tiyak magagandahan din sila sa damit na suot ko ngayon. Kulay itim at may lining na pula ang suot kong damit na may mahabang manggas.  Itinago ko ang patalim na dala ko sa gilid ng aking sapatos. Nakarinig naman ako ng katok sa may pintuan.

"Tayo na't may klase pa tayo. Sumama ka sa amin mag- aaral, Neon." Pagaaya ni Daratheos sa akin.

Medyo nag-alinlangan pa ako kung sasama ba ako sa kanila pero sinundan ko pa rin siya sa paglalakad. Sa mundong ito ang pag-aaral ay ang mga napapagalaw mong elemento. Sa bansa namin, noong ako pa'y nakatira doon madalas kaming sanayin ng guro naming si Kalestro. Siya ang pinakamagaling na guro sa Elofrias, ang lugar na pinagmulan ko kung nasaan kaming mga Sheeva ng Timog.

Hindi ko alam. Kung ano ang gagawin ko. Itatago ko ba ang kapangyarihan ko? Hindi ang pangalawang elemento kong napapagalaw? Ang kidlat. Bukod sa tubig. Kapag nalaman nila, na isa akong Sheeva, baka magtanong sila kung saang tribo ako nanggaling. Kailangan ko pang bigyan ng hustisya ang mga tribo ko kaya,  ako na ang gagawa ng paraan para malaman kung sino ang utak ng pagsalakay at ako na ang tatapos sa kanila.

Nakarating kami sa isang silid na puno ng mga libro. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong karaming libro. Napapaligiran libro ang buong silid. Nakasalansan ito ng maayos sa kanyang lalagyanan. May mga upuan at lamesa sa gitna. At nasa unahan na ang guro.

"Magandang umaga po master Shu." Bati ni Archaelya.

"Magandang umaga." Bati ng butihing matanda. Mukha siyang ugod-ugod na matanda, naghahalo na ang itim at puti nitong buhok, nakapang salamamgkero siyang damit at mayroon siyang mahabang balbas na hanggang dibdib. Kahit na mukha siyang hindi malakas, ramdam ko ang prisensya niya. Ito'y napakalakas. Ang lakas ng kanyang life force.

"May bago pala kayong kamag-aral. Magpakilala ka bata." Tugon ng guro nilang tinatawag na master Shu.

Nakababang tingin ako. Ayaw ko tingnan sila dahil sa kahihiyan, o 'di kaya dahil sa baka malaman nila ang totoo. Oo isa kaming Sheeva kami ang taga pagbantay ng labas ng Alloira na may basbas ni Igneous. Ngunit... Ang kapangyarihan ko ay dapat na itago. Dahil ito ay nagmula sa kasamaan. Iba ako sa mga katribo ko. Napukaw ang atensiyon ko nang magsalita ang guro namin.

"Ayos ka lang ba bata?" Wika ni master Shu.

Nanginig muna ang katawan ko nang narinig ko ang kanyang medyo paos na boses. "O... Opo." Mahinang tugon ko. "Ako po... Si Neon." Pagpapakilala ko.

Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon