II- Ang Baul

2.4K 83 6
                                    

Naisipan maglaro ng apat na diyosa. Napagdisisyunan nila mag habulan. Si Euthalia ang taya. Naghagikgikan ang mga ito habang tumatakbo sa hardin ng Derevias.

"Humanda kayo, mahuhuli ko kayo." Sambit ni Euthalia.

Sa sobrang bagal ni Euthalia tumakbo. Hindi niya mahabol ang mga kapatid niya. Kaya naman nakaisip siya ng paraan kung paano mahahabol sila. Gamit ang kanyang kapangyarihan. Pinahinto niya ang mga ito. Naging istatwa ang tatlo.

"Taya"­­­­ - kay Ohena.

"Taya" - kay Leona.

"Taya" - kay Heiria.

Pagkatapos mataya ni Euthalia ang mga kapatid, nakagalaw na muli sila. Ang mga mukha'y naka kunot ang noo. Samantala naman, si Euthalia ay sige ang pag tawa para sa mga kapatid.

"Ang daya mo Euthalia!" Protesta ni Heiria.

"Wala naman kasi tayong napagkasunduan na hindi puwedeng gumamit ng kapangyarihan. Kaya ayos lang iyon." Paliwanag ni Ohena.

"Ayaw ko! Pandaraya pa rin 'yon!" Sambit ni Heiria.

"Heiria, tayo'y naglalaro lamang. Kaya huwag mong masyadong seryosohin." Wika ni Leona at tinapik nito ang balikat ni Heiria.

Ayaw magpatalo ni Heiria. Sa magkakapatid siya talaga ang pinakamatapang. Bakas sa mukha pa rin ni Heiria ang pagkapikon sa nangyaring paglalaro nila ng kanyang mga kapatid. Hanggang sa pumasok na sila sa templo ng pagkainis Batid pa rin sa mukha niya ang nangyaring laro nila kaya siya'y nakasimangot.

"Heiria, bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Igneous sa kanya.

"Huwag niyo po akong alalahanin mahal na Shamhala, maayos po ako." Pahiwatig ni Heiria.

Nagpaalam si Heiria sa diyos at sa mga kapatid niyang diyosa na gusto niya munang mapag-isa.

Si Heiria at si Iuran

Hindi naman sa ayaw ko sa mga kapatid ko... mahal ko sila at pag dumating ang araw na kailangan ko ng mga tulong nila, matutulungan nila ako. Kaso, minsan pakiramdam ko, nalalamangan nila ako. Si Euthalia ang pinakamakapangyarihan sa aming apat at sana'y sa akin nalang ang kanyang kapangyarihan. Ano ba ang silbi ko? Ang pangit ng binabantayan kong banal na alaala. Ang susi ng karunungan. Sa akin ipinamahala ito, pero hindi bagay sa ugali ko ito.

Naglalakad ako sa labas, at hindi ko namalayan na malayo na pala ako sa Dervias. Nandito na ako sa gubat ng 'Remugrek' kabilin-bilinan sa amin ni Igneous na huwag pumunta sa gawing ito. Sa kadahilanang maraming mga masasamang esperito rito at mga mababangis na halimaw. Pero, hindi ko alam kung paano makabalik sa Dervias. Naliligaw na ako. Kaya kong mag mensahe sa mga kapatid ko gamit ang aking isipan, ngunit sa hindi ko malaman na kadahilanan parang may humaharang sa aking kapangyarihan.

"Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo rito, diyosa." Isang nakakapangilabot na boses ang aking narinig. Ngayon lang ako kinilabutan ng ganito.

"Si... sino ka?" Medyo may panginginig ang aking boses.

"Ako Iuran." Nakangisi siya sa akin nung magpakilala. Pula ang kanyang balat na may kaliskis sa ilang bahagi ng katawan, ang mga mata niya'y itim na itim. Meron siyang buntot, mahahaba at matatalim ang mga kuko sa kamay at paa. Meron din siyang dalawang sungay sa tuktok ng ulo niya na parang sa kambing.

Natakot ako sa kanyang hitsura. Hindi ko alam kung anong gagawin ko... gusto kong tumakbo pero para bang naging statuwa ako sa aking kinatatayuan.

"Huwag kang matakot sa akin Heiria. Hindi talaga ganito ang aking hitsura. Sinumpa ako. Kaya naging ganito ang aking anyo." Wika niya.

Hindi ko alam, naantig ang puso ko sa kanyang sinabi. Dahil nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon