IV- The Middle Kingdom

2K 66 21
                                    

Eirion's Pov

"Bilisan mo bata!" Sinigawan ako ng mabahong matabang lalaki na ito; na bumihag sa akin.

Binihag niya ako dahil dadalhin niya raw ako sa 'Rimesierra' ang middle kingdom ng Meira. Naglalakbay kami ngayon habang ako ay nakatali sa kakaibang panali na ito para hindi ko sa kanya magamit ang kapangyarihan ko. Hila-hila niya ako, halos maputol ang patpat kong katawan sa kanyang paghila. Nagtagumpay naman hetong mukhang palakang baboy na lalaking ito sa kanyang balak sa akin.

Mula sa labas ng Alloira sobrang layo ng Rimesierra kung lalakarin mo ito. Mga tatlong linggo na paglalakbay. Ilang bayan na rin ang aming nadaanan. Pangalawang linggo na namin ito.

Walang linis-linis ng katawan. Ang baho ko na pero hindi kasing baho nitong lalaking bumihag sa akin. Ang baho niya umaalingasaw ang kanyang amoy mula rito sa likuran habang nakasunod ako sa kanya. Peste amoy putok siya na amoy lupa. Kasulasulasok ang amoy niya.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Sigaw niya nanaman sa akin. "Bilisan mo nga mag-lakad! Ang kupad-kupad mo!" Sabay hila sa tali na muntikan na akong masubsob.

Mokong na 'to magamit ko lang ang aking kapangyarihan, tapos ka talaga sa akin. Sinugod ang aming tribo at ako na lamang ang natirang buhay sa kanila. Kaya kinuha ako ng lalaking ito para pagkakitaan. Ibebenta niya ako bilang alipin sa mga 'Junea' na nakatira sa Rimesierra ang mga dugong bughaw ng middle kingdom.

Masusukal na kagubatan ang aming tinahak. Marami na kaming nakalaban na mga mababangis na halimaw. Masasamang espirito rin. Ilang ilog din ang aming tinawid at mga matatarik na bundok ang aming inakyat. Naging mapanganib din ang pagbaba rito.

Nakarating kami ngayon dito sa isang bayan na tinatawag na 'Moonvale.' Ang bansa kung saan ang mga salamangka ay malaya ang pag gamit. Ang Moonvale ang naging sentro ng mga salamangka sa buong Meira.

Maganda ang bayan at ang kanilang mga suot at makukulay na damit kitang-kita mo sa kanilang pananamit at kilos na may mga pinag-aralan sila. May mga pagkakakilanlan ang kanilang suot na roba. Iba-iba ang kulay nito. Binabase ang mga robang suot nila sa mga elemental na kaya nilang palabasin. Hindi ako masyadong pamiliyar sa mga kulay ng roba nila. Ang alam ko lang ang mga elites o royals ay may mga mgaganda at matitingkad ang kulay ng roba.

Iniwan ako ng lalake na bumihag sa akin sa labas ng isang kainan. Tinali ako rito na parang hayop, dahil kasama ko ang mga kabayo at iba pang mga hayop na sinasakyan. Katulad ng tigre at malaking uri ng salamander. Uhaw na uhaw na ako. Kaya naman sa sobrang uhaw ko... Sinalagpak ko ang ulo ko sa inuman ng mga hayop. Minulat ko pa ang mga mata ko habang ako'y nakalubog sa tubig. Ninamnam ko ang bawat daloy ng tubig na pumasok sa aking bibig. Nang makakuha ako ng sapat, umahon muli ako. Minumog ko ang tubig na pumasok sa aking bibig; dinura ko ito at ginawa ko ulit ang ginawa ko kanina. Nang maka-ahon muli ako, nilunok ko na ang tubig na pinuno ko sa aking bibig. Hindi ko na inalala kung madumi ang tubig na 'yon, basta't uhaw na uhaw na ako at ang mahalaga, mapawi lang ang init at uhaw na nararamdaman ko.

Pinagmamasdan ako ng mga taga roon sa Moonvale. Nagbabang tingin ako dahil sa kahihiyan. Hindi ako sanay na pinagamamasdan ako ng ganito na para akong isang pulubi. Hindi naman ako isang pulubi. Isa akong anak ng Chief ng mga Sheeva sa labas ng Alloira. Kami ang nagpapanatili ng kapayapaan sa Alloira upang hindi makapasok ang kasamaan sa trangkahan nito.

Ngunit may kakaibang nangyari no'ng mga panahon na sinugod kami. Bakit nga ba inubos ang aming tribo? Bakit parang walang nakaalam na may nangyaring digmaan sa labas ng Alloira? Hindi na ba kami inintindi ng konseho ng mga Sheeva? Pati ang Magick Society ng Moonvale parang walang alam. Lalo na ang Middle Kingdom Council of Rimesierra walang kaalam-alam. May ginagawa ba ang mga apat na kahariang ito? Porket hindi pa nakokoronahan ang magiging reyna ng Alloira, hindi na kami iintindihin? Sinugod pa ang aming bayan ng mga pinaghalong puwersa ng Elves at mga taga north kingdom ng Olyzera. Napakuyom ako ng mga palad ko sa harapan ko. Sa sobrang dami kong tanong sa isipan ko. Sa sobrang kahihiyan na rin. Bumalik ako sa realidad nang mayroong kumausap sa akin na bata, mukhang kaedaran ko siya.

Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon