Third POV
"Hindi mo maisaalang-alang ang nakatakda, Himena." Wika ng Eishym na si Alquiron.
"Alam ko. Ngunit hindi pa sa ngayon. Masyadong bata pa si Archaelya. Hindi ang aking mahal na bunso." Nangagambang tugon ni Himena. Ang ina ng apat na magiging pinuno ng kaharian sa Meira.
Malapit na ang nakatakda. Kailangan nang magtalaga ng namumuno sa mga kaharian dahil papalapit na ang paggunaw ng Meira. Para ito'y mapigilan, kailangan ng mga mamumuno sa mga kaharian ng trangkahan. Nalaman ito ni Alquiron nang siya'y nagdasal noong nakaraang gabi kay Igneous. Dinalaw siya sa panaginip ni Igneous. Ipinakita sa kanya ang mangyayari sa hinaharap. Isang sanggol ang isisilang ni Archaelya at siya ang taga pagligtas.
Hindi alam ng mag asawa na 'di sa kalayuan ay nakikinig sa kanila si Heligion. Isang masamang tingin ang ibinigay na sa mga ito. Napansin naman ni Alquirion ang prisensya ni Heligion. Dahil sa galit, nakapagpalabas siya ng kanyang life force, kaya siya'y napansin.
"Heligion lumabas ka riyan." Wika ni Alquiron.
Lumabas namam agad si Heligion. "Nakikinig ka ba sa usapan namin?" Tanong ng butihing Eishym na si Alquiron.
"Hindi po, ama. Kakarating ko lang po." Pagsisinungaling ni Heligion.
Dinig na dinig niya ang buong pag-uusap ng kanyang magulang. Dati pa man, nagseselos na siya kay Archaelya. Dahil siya na lang lagi ang pinagtutuonan ng pansin. Masakitin dati noong bata pa si Archaelya. Pero para kay Heligion hindi 'yon ang dahilan para bigyan lagi ng pabor si Archaelya. Para siya ang maging paborito. Siya ang panganay dapat sa kanya lagi ang atensiyon. Siya ang magiging bagong hari sa buong Meira.
"Handa ka na ba sa pagsasanay mo?" Tanong ni Alquiron.
"Opo ama." Magalang na sagot ni Heligion. Ngunit para sa kanya, walang kuwenta iyon. Kahit naman pagbali- baliktarin ang buong mundo... Siya pa rin ang magiging hari ng Olyzera dahil siya ang nakatakda.
"Sige na maghanda ka na. Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay."
"Opo ama, salamat po." Matipid na sagot ni Heligion.
Nagtungo naman sa gawi niya si Himena at binigyan ng mahigpit na yakap ang anak. "Mag- iingat ka roon." Naluluhang sambit ni Himena.
Kumalas sa pagyakap si Heligion sa kanyang ina. "Salamat po." Mahinang sagot ni Heligion. Sa loob ni Heligion may galit siya sa mga ito. Sa kabila 'non may katiting pa naman siyang respeto. Pero kapag siya na ang naghari sa buong Meira, gusto niya iisa lang ang hari. Gusto niya sa kanya lang ang kapangyarihan.
Lumabas na sa silid ng magulang niya si Heligion. Sa may pasilyo nasalubong niya si Ittirael. Sumisipol pa ito habang naglalakad at nginisian siya nito nang magtama ang mga mata nila. Sabay naman nagwika itong si Ittirael. "Ang pagiging sakim mo sa kapangyarihan, ang siyang maglalagay sa iyo sa karimlan."
Mga matanlinhagang mga salita na kinainis niya. At bumulusok lalo pa't ang pagkainis ni Heligion. Gusto niyang ilabas ang kanyang espada, ngunit nakaisip siya ng paraan para itikhom ang bibig ng kanyang kapatid. Kinausap niya muna ito.
"Ano'ng sinabi mo?"
"Alam mo ba ang kaisa- isang bagay kung bakit mabilis mamatay ang mga Eishym at Eisheer?" Mayabang na tanong ni Ittirael.
"Ano?"
"Kasakiman sa kapangyarihan, tulad mo." Ngumiti si Ittirael at ikinainis iyong ni Heligion.
"Talaga?" Sakasismong banggit ni Heligion.
"Oo, payo lang kapatid." Tinapik niya ang balikat ni Heligion, naglakad ito. Ilang pulgada pa lang nakakalayo, nagpatuloy muli ito sa pagsasalita, "kung gusto mo pa mabuhay ng matagal, hinay- hinay lang sa paggamit ng kapangyarihan."
BINABASA MO ANG
Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)
FantasyWhat's inside the fifth gate? Sa mundong ginagalawan ko, lingid sa aming kaalaman na may isa pa palang lagusan ang Meira. Saang mundo kami dadalhin kapag ito ay nagbukas? Ano ang dala nito? Kapayapaan at katabutihan o kaguluhan at kasamaan? Start da...