HAWAK pa rin ng nilalang ang diyosa na si Euthalia na noo'y walang malay.
Inihiga ni Heiria ang kapatid sa patag na bato. Inalalayan niya ang ulo ng kapatid nang ihiga ito.
"Nakuha mo ba siya?" Isang nakakapangilabot na boses ang narinig ni Heira.
"Opo kamahalan." Matipid na sagot nito. Naupo siya sa may gilid at tinanggal ang pandong sa ulo galing sa kanyang itim na balabal.
"Ang diyosa ng oras. Magaling Heiria. Maasahan ka talaga." Wika ni Iuran. Hinimas niya pa ang makinis na pisngi ng diyosa.
"Ano'ng gagawin mo ba sa aking kapatid?" Tanong ni Heiria. Sa loob niya, naiinis siya kay Iuran. Siya ang dahilan kung bakit tinakwil siya ni Igneous. Kaya siya'y sumama kay Iuran dahil may malalim siyang dahilan. Darating ang araw pababagsakin niya si Iuran kaya niya ito tinutulungan. Nauto na siya nito noong una. Kaya ngayon, kukuhain niya ang loob nito saka niya kukuhain ang lahat para maghiganti. Alam niya ang magiging kalabasan ng ginagawa nito, kaya naman kailangan niya na mag-ingat.
May isa pa siyang problema, hindi niya alam kung ano'ng plano ni Iuran sa kanyang kapatid. Kaya naman, kailangan niyang bantayan ang kanyang kapatid habang wala pa itong malay. Baka kung ano'ng gawin ng demonyo sa kanyang kapatid.
***
"SALAMAT sa pagdating Eishym Alquiron." Bungad na pagbati ng Derawi (King) ng mga dragonborn Elf na si Khalil. Ilang araw din ang kanilang nilakbay upang makarating sa bansa ng mga elves.
Si Khalil ay may mala mais na kulay ng buhok mahaba ito at lagpas balikat. Makikitaan siya ng pagkamagandang lalaki dahil sa kanyang berdeng mata at matangos na ilong. Suot niya ang pang digmang damit na kala mo'y malambot na tela sa unang tingin ngunit ito'y matigas pa sa bakal kapag hinawakan. At kita sa kanyang baluti ang mga sagisag ng kanilang bansa. Ang buwan at araw na parang sa 'yin at yang' at ang sagisag ay nakaguhit ang solar at lunar eclipse.
Ang kanyang pangloob ay isang malabot at magandang uri ng tela. Kulay berde ito, na mala dahon ang kulay at mayroong balabal na may panambong sa may ulo. Ang mga elf ay magagandang uring nilalang para silang mga diyos na nagliliwanag ang kanilang mga balat sa sobrang kinis. Sabi ng ibang mga nilalang sa Meira ang mga elf daw ang pinakamagandang nilalang na ginawa ni Igneous bukod pa sa mga diyosang nilikha niya.
Nagpunta si Alquiron at si Khalil sa kanilang kaharian upang pag-usapan ang mga magaganap na giyera sa pagitan ng mga tiwalag na elves na tinawag na mga Night Elves. Kasama nila ang buong konseho ng mga elves sa Shaeres Elluna.
Ang konseho ay binubuo ng mga malalakas na nilalang na Elves sa Shaeres Elluna. Pinamumunuhan ito ni Heneral Cerildon mula sa pinakamalakas na hukbong sandatahan ng buong Shaeres Elluna. Sumunod si maestro Alkerridon ang pinakamalakas na salamangkero sa buong Shaeres Elluna. Kasali rin siya sa samahan ng mga salamangkero sa Moonvale na isang malayang bansa.
Kasama rin dito ang matapat na tagapag payo na si maestro Shakro na binubuo ng apat pang mga elves na matataas din ang katungkulan sa Shaeres Elluna. Si Eagemon na isang Heneral din sa kabilang dibisiyon ng 'Duin Jun' ang tawag sa matataas na dibisiyon ng mga mandirigma sa Shaeres Elluna. Si Heneral Raquil ay isa rin dito.
Kung tutuosin hindi na kailangan ng mga elves ang tulong ng Rimessierra. Dahil malakas ang puwersa ng mga Elves. Sapat na rin ang dala niyang mga kawal na tatlong libo. At may mga parating pang mga pangkat. Ngunit iba ang kalaban nila rito na puwedeng ikagunaw ng Mundong Meira.
"Mayroon akong dalang tatlong-libong kawal at ang iba sa kanila'y nakakapagpagalaw ng mga elemento. Maari rin tayon'g umatake sa itaas sakay ng mga dragon." Pahayag ng butihing hari na si Alquiron.
![](https://img.wattpad.com/cover/46632338-288-k59865.jpg)
BINABASA MO ANG
Meira: The fifth Gate (Book 2: Prequel)
FantasíaWhat's inside the fifth gate? Sa mundong ginagalawan ko, lingid sa aming kaalaman na may isa pa palang lagusan ang Meira. Saang mundo kami dadalhin kapag ito ay nagbukas? Ano ang dala nito? Kapayapaan at katabutihan o kaguluhan at kasamaan? Start da...