Scenario no.54: TAKUTAN WITH BANGTAN (Part 4)

13.1K 743 87
                                    

Monday ng 3 a.m abalang abala si jin sa paghahanda ng sandwich para ipambaon sa shooting nila ng bts.

Tulog pa ang iba, Maliban sa kanila ni V. Si V ay pinabili niya ng lettuce sa pinakamalapit na supermarket habang naghahanda siya.

Tulog na tulog pa ang iba dahil 12 na sila nakauwi galing sa practice.

Busy si Jin sa pag aassemble ng sandwich sa kitchen counter ng makarinig siya nang kaluskos mula sa likod niya.

Jin: Yah V! Ang tagal mo naman! Pakilapag na lang jan yung lettuce.

Narinig naman si Jin yung paglapag ng paper bag sa table.

Jin: Ayyy wait, Pakuha naman ng mayo sa ref, Lagay mo na lang jan sa table. Ayyyy paabot ng cheese please.

Nilahad ni jin ang kamay niya habang nakatalikod, In short di sya lumilingon. Eh kasi naman, Busy sya sa pag aayos nung sandwich.

Agad namang inabot ni V yung cheese sa kamay ni Jin.

Jin: Sige salamat. Maligo ka na. Para pagtapos mo, Tapos na din ako dito.

Almost ready na ang lahat da sandwich ni Jin. Lettuce na lang ang kulang.

Nang kukunin na sana niya yung lettuce sa table, Wala dun yung lettuce.

Jin: Aish, Pasaway talaga tong si V. San niya na naman nilagay yun! V! V! V! Fishtea talaga! V!

Maya maya pa, Pumasok si V mula sa labas. Huh?

V: Hyung ang ingay mo! Hanggang labas rinig kita!

Jin: V! San mo nilagay yung lettuce! Tsaka bat galing ka pa sa labas? Diba sabi ko maligo ka na?

V: Hyung, Kaya ako galing sa labas kasi pinabili mo ko ng lettuce, Kaya ngayon lang ako nakarating, Inintay ko pang magbukas yung super market. Pinagsasabi mo jan!

Jin: Kakarating mo lang?

V: Oo. Obvious ba?

Jin: Eh sino yung nag abot sakin ng cheese kanina?

Namutla bigla si Jin, Tinignan niya ang ibang members sa mga kwarto nito. Himbing pa rin sila sa pagtulog.

Sino yung mag abot sa kanya nun?

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon