Scenario 212: HUGOT NI JIMIN.

6.8K 368 58
                                    

Scenario 212: HUGOT NI JIMIN.

Pagod ang lahat dahil sa byahe nila galing sa kung saan overseas tour, ang iba ay dumiretso sa kanya kanyang kwarto para saglit na magpahinga.

Maliban kay Jimin at Jin na naghahanda ng pagkain para sa lahat.

Jin: /binuksan yung ref/ Ooooohhhhh lamig!

Jimin: Lamig no? Parang sya lang sakin, pilit kong pinaiinit ang aming samahan pero siya tong malamig ang pakikitungo sakin.

Jin: Pinagsasabi mo jan! Buksan mo nga tong lata! Baka masugatan ka ah!

Jimin: Sugat? Wala yun sa mga ginagawa nyang sakit sakin, ang pisikal na sugat, naghihilom. Pero yung sakit na pinararanas nya sakin, hindi na.

Jin: Susko!!! AYYYYY! Bat bukas na tong butter! Natunaw tuloy!

Jimin: Katulad nyang butter, nung una matigas pa at kala mo hindi matutunaw. Parang relasyon namin, akala ko matibay nung una, pero habang tumatagal, nawawala na. Natutunaw yung dating tibay ng relasyon namin.

Jin: Pati ba naman butter! Ay nako Park Jimin! Umayos ka nga! Nasan ba si Namjoon?

Jimin: Psh, ako yung kasama at nandito pero iba yung hinahanap, sanay na ko sa ganyang sitwasyon. Madalas nyang ginagawa sakin yan.

Jin: Jimin utang na loob! Tumigil ka na!

Jimin: Yan yung sinabi nya sakin nung kinukulit ko siyang balikan ako, pero wala. Hindi na daw namin maibabalik yung dati. SAN AKO NAGKULANG HYUNG! SAAN!

Jin: San ka nagkulang? Sa katinuan! Footake ka! Lahat ng sagot mo sakin pahugot! Sakit na ng bangs ko sayo! Migahd!

••

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon