Scenario no.150: Realtalk With Pink Seokjin.

9.3K 469 47
                                    

Scenario no.150: Realtalk With Pink Seokjin.

Okay.. Isang gabi na naman ng realtakan ang magaganap sa kwarto ni Jin, Maghanda na sa mababagsik niyang mga salita at malapad niyang balikat.

Jin: So yun na nga.. Salamat sa magandang intro author, Pero sana sinabi mo na din na ako ang pinaka gwapo sa bts, Kaw talaga oh! Tsk tsk.. Okay, Ang pag uusapan natin ngayon ay eto, Nako madalas ko tong naririnig sa bahay pag naglalaba, o kaya sa school pag may electricfan, Pag nag luluto, At kung ano ano pa. Sigurado ako narinig nyo na to sa mga nanay nyo, o kaya naman eh kayo din mismo sinasabi nyo to, Ganito kasi yon, Halimbawa, Pag yung nanay mo nagsasampay tas nakabukas yung gripo sa banyo tapos sasabihin sayo "NAK PAKIPATAY YUNG GRIPO!"  Wat da pak! Gagawin kang kriminal ng nanay mo ng wala sa oras! Pinapapatay sayo yung gripo! O kaya naman eh, "NAK PAKIPATAY YUNG KALAN!" Utang na loob nay! Ayoko pang makulong! Pwede namang sabihing, I off yung kalan, Pero pakipatay? Seryoso?. Meron pa, Pag magkakasama kayo ng mga kaibigan mo, Pag malamig, "FRIEND, PAKIPATAY YUNG ELECTRICFAN!" Sarap sabihan ng gusto mo ikaw na lang marami pa kong pangarap sa buhay para pumatay! Pinaiinit nyo ang ulo ko! Okayyy yun na muna sa ngayon, Till next realtakan ^_^.

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon