Scenario no.186: TAKUTAN WITH BANGTAN (Part 11)

9.5K 547 176
                                    

Scenario no.186: TAKUTAN WITH BANGTAN (Part 11)

GUYSEU! Dahil namiss ko kayooo! ETO NA! HAHAHA MOST REQUESTED TO EH!! KALOKA KAYOOO!! MISHUUU GUYSSEUUUU :***

••

Nag iisa si Jungkook na nagppractice sa studio ng BigHit, Ganito siya kapag walang magawa sa dorm nila.

Alas syete nang gabi nang magpunta siya dito, At ngayon, Mag aalas dose na.

Naupo siya sandali sa isang sulok ng Studio at nagpahinga, Paulit ulit niyang sinayaw yung Save me at Fire. Dahil dun, Napagod siya.

Nasa dorm lahat ng bts members maliban sa kanya, Ang paalam nga nya, Bibili lang sya sa convinient store.

12:01 nang magpasya syang umuwi na, Umaga na din, Baka nag aalala na sila Jin sa kanya, Walang ilaw sa buong building, Mag isa lang siya pero matapang pa din siyang naglakad sa mga madidilim na hallway.

Oh well the Golden maknae.

Ayaw niyang mag elevator kaya naghagdan na lang siya. Naka earphone si Jungkook kaya walang pakialam ang peg nya ngayon.

Dire diretso lang pababa.

Nang makrating siya sa 2nd floor kung nasan yung conference room nila, May napansin siyang kakaiba.

Bat nakabukas ang ilaw dun? Eh sa pagkakaalam nya sya lang ang tao dito?

Buong tapang niyang pinuntahan yung conference room, Salamin naman ang pintuan non kaya makikita mo kung may tao sa loob.

Laking gulat nya nang..

May mga taong nakaputi sa loob at tila ba may pinagpupulungan sa loob nun, May isang lalaki din na nakatayo sa gitna na para bang leader nila.

Pinikit niya sandali ang mga mata niya para siguraduhin kung tama ba ang nakikita niya, Pero laking gulat niya nang..

LAHAT NG TAO SA LOOB NANG KWARTONG YUN AY GALIT NA NAKATINGIN SA KANYA!!

Nagtatakbo si Jungkook pababa ng Building pero kahit anong baba niya, Hindi niya marating yung ground floor kung nasan yung sasakyan nila.

Pawis na pawis na sya sa kakatakbo, Napatigil na lang sya nang mag ring ang phone niya.

"H-hello?"

Hingal pa nyang sagot sa telepone habang tumatakbo pa din.

"Hello! Jungkook? Bat ngayon mo lang sinagot! Sobrang nag aalala na kami sayo! Hindi na namin alam ang gagawin namin!"

Nagtaka naman si Jungkook, Limang oras pa lang siyang nawawala, Bat grabe naman sila kung mag alala, Tsaka nagtext naman siya kay Jin hyung nya na pauwi na sya kanina.

"Sinasabi mo jan V hyung?"

"Limang araw ka nang nawawala! Nasaan ka ba talaga?"

"Limang araw ka nang nawawala! Nasaan ka ba talaga?"

"Limang araw ka nang nawawala! Nasaan ka ba talaga?"

"Limang araw ka nang nawawala! Nasaan ka ba talaga?"

"Limang araw ka nang nawawala! Nasaan ka ba talaga?"

Nailaglag ni Jungkook ang cellphone niya pagkarinig niya nun.

Limang araw? Pano?

••

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon