Scenario no.208: BTS pag walang kibo si J-Hope.

7.2K 492 217
                                    

Scenario no.208: BTS pag walang kibo si J-Hope.

Tahimik na umaga sa dorm ng BTS..

HOMAYGHAD DIZ IZ A MIRAKEL! BAT TAHIMIK SA DORM NG BANGTAN! BAKETTTT!!!

Okay ang OA ni otor! Eto na nga kasi,

Naabutan ni Suga na TAHIMIK na nakadungaw sa bintana si JHope habang bumubuhos ang ulan.

Suga: Problema mo? Kumain ka na?

Tanong ni Suga pero nanatiling tahimik si Jhope kaya naman dumiretso na to sa kusina.

Sunod na lumabas si Namjoon mula sa kwarto at napansin din nya si JHope kaya naman dumiretso sya sa kusina para tanungin si Suga.

RM: Hyung? What happened to JHope?

Suga: I not know! Talk to she! Go!

RM: Whatever hyung!

Matapos ang nakakahilong english na sagot ni Suga, pinuntahan nga ni Namjoon si JHope para tanungin.

RM: Hey man! Is something bothering you? You can tell me if you want to.

Pero wala pa ring naging sagot si JHope, tumayo lang ito at umupo sa sofa.

Jungkook: Anyare?

Suga: May umaway ba kay Jhope sa inyo?

Jimin: Wala ah, nagwwrestling pa nga kami nila Jungkook kagabi.

Jin: Eh bat sya nagkaganyan?

Sakto namang nag uusap sila ay biglaang pagdating ni V mula sa convinience store.

V: Nagsalita ba si Jhope hyung?

RM: No, not even a single word.

V: YES NAMAN!!!! ETO NA ICE CREAM MO! PANALO KA NA! NAKAYA MO YUN!

JHope: SA WAKAS! HOOO! ANG HIRAP TALAGANG HINDI KUMIBO! MUNTIK NA KONG MAMATAY! KUNG DI LANG DAHIL SA ICE CREAM HINDI KO GAGAWIN YON EH!! WHOOO!!!

Suga: Putangina pigilan nyo ko!

••

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon