Haay graduation na. Tapos na ang 4 na taon sa highschool....
SA WAKAS HAHAHAHAHA. Akala nyo naman mag eemote ako. Osige sabihin na nating may part na malungkot dahil nga maiiwan ang aking mga sabog na barkada jusmiyo kahit naman maghiwa-hiwalay kami kaya naming mabuhay talaga talaga?!
Yan yung mga naiisip ko habang inaayusan ako syempre graduation alangan namang muka akong basahan pag martsa ko HA HA.
By the way my way ako nga po pala ang inyong lingkod Anna Mae Arida, 16, 5'4 in height & soon to be a flight attendant and a Miss Universe. And i do believe in the saying that all women are born to be princess and should be treated like a queen MABUHAY! Chos. Oh ayan alam nyo na mga pangarap ko. Wala naman masama kung mangarap ka basta may determinasyon walang imposible Oh ha ?! San kapa.
"Oh picture dali. Smile anak" si mama/Mrs.Amy Arida. Eto na naman tayo picture lahat ng moments gusto makuhanan. Teacher sya pero ang tawag sakanya ng mga co-teachers nya DOC. kasi may degree na si mama. Sa public sya and teaching grade 4 pupils at wag kayo malapit na yang maging principal konting kembot na lang.
*Smile* click!
"Ma patingin baka ang taba ko na naman dyan"
"Hindi ayos lang naman ganda e, pakiss nga""Ma peram muna ako ng ipod picturan ko si papa" bunsong kapatid ko. Dalawa lang naman kasi kaming magkapatid. Cherry Fe Arida is the name, grade 5.
"Pa smile"
*Smile sabay tawa*
"Nako video yan"
"Hindi nga pa. Smile na dali"
*smile ulit sabay tawa*
Ganyan lang sila/kami kulitan. Super duper close kami kaya tinginan palang naming tatlo hagalpakan sa tawanan. Mr.Romeo Arida, manager of the company(wala ho kaming kumpanya, may kaya lang kami pero di mayaman chos!) Sa pigrolac sya nagtatrabaho dati taga buhat sya ng feeds pero ngayon asensado galing no? Idol ko yan e.