Nga-ngasyon

12 0 0
                                    

Ayown akala ko naman mag eenjoy ako sa bakasyon ko. Yun pala hindi! Andito nga mga pinsan ko, ang iingay naman kaka stress! Linis, hugas pinggan, kain, tulog, nuod t.v, wifi. OH DIBA GAWING BABOY?! HAHAHAHA. Ang sarap naman kasing kumain e, parang pagkain na lang ang one true love ko. Nasa terrace kaming mag pipinsan at wala kaming ginawa kundi mag wifi at maghanap ng gwapo sa fb.
"Mae mag linis ka nga ng bahay! Wala ka ng ginawa kundi manuod, mag wifi!!
" hala sya? Ma naglilinis kaya ako dito. Tanong mo pa sakanila"
"Sige sumagot ka pa. Ingungud-ngod kita dyan sa tiles tingnan ko lang kung makaimik ka dyan"

Ayown nadali ko. Naglilinis naman talaga ako e. Mga nanay talaga. Buti tinulungan ako ng mga pinsan ko mag linis last day na kasi nila sa bahay kaya bonding bonding kami at sa terrace kami natutulog dahil malamig at nagtatakutan kami.

"Punas pa more!"
"AY OH?! AKO BAGA"Y NAGWAWALIS. PIRMI ANG LAKAD NITONG HINAYUPAK NA TO"
"KAY GALING"

Mga taga quezon kasi kami kaya ganyan kami magsasalita may punto. Pagkatapos namin mag all around cleaning bulagta kami sa sahig dahil ang inet at pagod kami.

*Gabi*
Nakaready na sila at ihahatid na kasi namin sa bus terminal. Habang nasa van kami puro lang naman kami tawanan at sayawan sa van. Ang tindi ano? Exzoited sila umalis kahit ako exzoited din silang umalis. ANG SAMA LANG HAHAHAHA. Kumain muna kami sa chowking dahil yun lang yung available na kainan sa terminal.

"Oh ikaw naman patricia kamusta naman si papa mo?"-mama
"Okay naman po. Namamayat nga ho kabubuhat ng mga isda"-tricia
"Paghandaan mo kasi ng pagkain para masaya naman sya"-mama
"Oho tita"-tricia

Ayan nakikinig lang ako sakanila habang ine-enjoy ko yung pagkain na nilalantakan ko. Hanggang sa napunta yung topic sa boyfriend ang galing din naman talaga ng nanay ko mag iba ng topic.

"May boyfriend ka na ba patricia?"-mama
"Ay si ate oh si mhatz"-si tintin kapatid ni tricia
"Yiiie. Pabebe pa yan"-Kate
"Aba patricia ka'y bata bata mo halhal ka HAHAHAHA"-mama

Nagpapangaral tapos biglang tawa hay nako mga nanay talaga. At yang word na halhal ay galing sa akin syempre dakila ako e talaga talaga ?!

"De seryoso, ang bata mo pa. Eto ngang ate mae mo wala pa kahit isa"-mama
"Sige lang ma -.-"-ako
"May boyfriend kana be?"-Mama
"Wish ko lang ma"-ako
"Mag aral muna. Sayang ang tuition mo. Kawawa naman si papa mo"-Mama

Nalipat agad sakin yung topic ang galing galing. Pero seryoso wala pa nga akong boyfriend. Ano kayang feeling non? Di naman sa pabebe ako no? Aaminin kong may mga crush ako isa na si Papa James Reid jusko kung magiging asawa ko yon di pwede ang mga tshirt sakanya apron lang sapat na. Kita abs nya, jusko Heaven na heaven ang pakiramdam ko. Bawat pag gising muka nya agad bubungad ay jusmiyo ang sarap ng buhay ko. Pero sabi ni mama mahirap daw saka masakit sa ulo saka baka di ko daw kayanin ang heart break. Grabe nakakamatay ba yun?! Ang weird lang. Kasi lahat naman ng makikita kong couples masaya. Ayaw na ayaw ko lang makikita yung mga couples na sweet in public yung tipong nag aakbyan saka kinikisan yung partner nila lalo na pag estudyante NAKAKA INIT NG DUGO. Di ba nila alam ang hirap ng magulang para lang makapag aral sila?! Puro sila kakerihan sa katawan baka mamaya mabuntis agad sila e masyado pa silang bata. Di pag aaral ang atupagin nila at di nila isipin yung kinabukasan nila. Meron pa silang pauso na couple shirt, promise ring, etc. DI AKO BITTER MAGING TOTOO TAYO. MARAMI PA DYANG IBA SA MADALING SALITA .....








MAGBE BREAK DIN KAYO! BWAHAHAHAHAHAHA

ANNA MAE ARIDA PARA SA PAGBABAGO NG PILIPINAS! NO TO TEENAGE PREGNANCY! ANO DAW?!! HAHAHAHAHA

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon