Epic

9 0 0
                                    

Nakarating ako ng school ng mga 6:15am, wala pa masyadong estudyante napa-aga ata ako kaya nagpababa na lang ako dun sa building na pinuntahan namin nung orientation. Pagka baba ko nag stop ako sa hagdan ang tumingala napabuntong hininga lang ako kasi kinakabahan ako ng sobra kasi pag professor daw masusungit kaya ganon.

Nagsimula na kong umakyat ng hagdan dahil 4th floor pa room namin. Nung 2nd floor na, napapagod na ko kasi ang init na nga nung uniform namin WALA PANG ELEVATOR! Ang mahal mahal ng tuition tapos ganon? As in malapit ng bumigay yung tuhod ko. Paikot ikot pa man din yung hagdan. Nung nakarating ako ng 4th floor sarado pa room namin kaya nag cr muna ako.

AND WOW! May aircon ang cr sosyalin! Pag tingin ko sa salamin ...........

Muka akong sisiw! Hulas na yung muka ko ang pawis ko pa babaho ako nito! Di pa nag iistart yung lesson muka na kong pauwi! Kaya nag retouch muna ako at inayos yung uniform. Pagkatapos bumalik ulit ako sa room and sakto binubuksan na. Kaya pumasok muna ako ang lamig sa room laki din ng bintana nila kitang kita lahat! Muni muni muna ako kasi wala pa akong ka klase kaya tinext ko ulit si Hannah.

"Nak? San kana? Dito na ko sa room"
*Sent*

*Ring*
"Nay wait lang traffic kasi e. Madami na bang tao?"

"Konti pa lang naman. Bilisan mo ha"
*Sent*

Naupo muna ako sa armchair na napili ko tapos pumasok si kuya janitor.

"Aga nyo ma'am ah?"-sya
"Oo nga po e"-Ako
"Sya alis na ko goodluck sa firstday mo"-sya

Ang bait naman nya. Sana nga po kuya. Magdilang anghel po kayo.

*Fast forward*
Malapit na mag time pero wala pa din akong ka klase kaya lumabas muna ako ng room. May nakita akong mga estudyante na nakapang AbCom na uniform at nakatingin sila sakin. May lumapit sakin na babae, naka civilian pa sya.

"Ah? Ate dito ba yung 405?"-sya
"Ah oo dito nga. Pasok kana"-ako
"Ano bang course mo?"-sya
"Tourism e"-ako
"Ay baka mali yung building na napuntahan ko!!"-sya
"Ay sige. Tanong ka na lang"-ako

7:00 na! 30mins. na lang time na! Hala bakit wala pa kong ka klase?! Filipino time naman nila?! Baka mali yung nabigay saking oras?! Yung mga katabi ng room ko andami ng tao may AbCom saka engineering tapos ako na lang wala?! Mga 7:20 dumating si Hannah.

"Nak! Akala ko male late ka ng bongga!" -Ako
"Oo nga nay e! Nakakapagod tag hagdan! Tara sa cr mag reretouch lang ako" -Hannah

After nya mag ayos lumabas na kami.

"Nak pasok kana may mga kaklase kana! Buti ka pa ako wala talaga as in"-Ako
"Hala nay kinakabahan ako! Samahan mo ko!"-Hannah
"405 room ko hindi 404! Pasok na!"-ako

Pagpasok nya lumabas din sya agad.

"Nay! Nakakahiya!"-Hannah
"Bakit?! Anong nagyari sayo?!"-ako
"PURO AB COM ANG NANDON! WALANG TOURISM! MALI YUNG BUILDING NATIN!"-Hannah.

Mali yung building natin. Ah okay.

ANO?! MALI YUNG BUILDING?! KAYA PALA WALA AKONG KAKLASE EH!! KANINA PA KO INTAY NG INTAY DITO ANG MALAS! LATE KANA CYRIL GAIL! PATAY KA SA PROF MO! ANG AGA AGA MO SA SCHOOL TAPOS KINALABASAN LATE KA?!

Dali dali kong kinuha yung bag ko at tumakbo agad kami paikot nung building. Tapos hinarang kami nung guard.

"Iha bawal dumaan dito, pang highschool to"-guard
"Ay sorry po. San po ba itong room nato?"-ako
"Ah sa kabilang building. Dun sa dulo"-guard.

Ay shet mali nga talaga yung building namin! Ang epic talaga! Tumakbo agad kami at astig kasi di kami natumba kahit naka heels kami at wow hagdan na naman tapos 4th floor pa yung room namin! Pawis na pawis kami! Pagdating namin sa 4th floor ang daming estudyante yung iba nasa loob ng room yung iba nasa labas nag chichikahan agad! Mayayaman talaga parang iisang dugo lang nananalaytay, close agad!

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon