Kolehiyala

5 0 0
                                    

"Mae"-mama
"Hmm?"-ako

Half awake na ko at di ko alam kung bat ako ginigising ni mama.

"Bangon na"-mama
"Bakit ma?!"-ako
"Papa enroll na tayo"-mama

Biglang nanlaki yung mata ko. SA WAKAS! Dali dali akong maligo kasi sabi ni mudang dalian ko daw baka daw madaming tao sa university oh ha! Asensado!

"Yung mga papers na kelangan sa school mo asikasuhin mo agad"-mama
Hanap naman ako ng envelope para sama sama na .
"Yung card mo!!"
"Bag ko!!"
"Yung susi ng sasakyan!!!"
"Dalian mo napakabagal mo!!"
"Mag dasal ka para maayos lakad natin"
"Yung result nung entrance exam mo!!"
"Bilis cyril!!!"

DI KO ALAM UUNAHIN KO. Ang daming utos di ko na alam kung anong uunahin ko aa. Beastmode nanay ko ang aga aga. Last october pa ko nagexam para sa school na sinasabi ni mama kasi maganda daw ang turo ng tourism sa Eton College at gusto ko din sa school na yun dati pa kasi naman ang dami DAW pogi don HA HA bonus na yun. Di na ko nag aral sa main kasi ayaw ko at natatakot akong mag dorm pero gusto ko din naman mag dorm kaso di pwede kasi malapit lang naman bahay namin.

"Hoy aba nagro-roadtrip na tayo dito!"-mama
"Dun pa yun ma e, yun ang tanda ko"-ako
"Baka lampas na tayo"-mama
"Ay eto na ma oh?!"-ako
"Ah eto pala batangas na nga to. Malaki naman pala school mo"-mama

Lagi na lang beastmode nanay ko aa san kaya nagmana ng kasungitan to? Nagpark na kami sa school at dumiretso sa admission office nagpasa ng requirements tapos may pinasagutan idescribe daw ang sarili, andaming pinasasagutan mag aaral lang naman dito! At international school nga pala to OH HA? SAN KAPA?! Puro nigerian lang naman nakikita ko. SAYANG. Nagsukat na ko ng uniform at WOW para na kong F.A ganda ng uniform kaso ang taba ko pero keri lang. Kelangan naka stockings daw saka naka boknay at NAKA MAKE UP? SHOCKS I DON'T KNOW HOW TO APPLY MAKE UP. Polbo lang okay na ko. Pahirapan na ito. After bumili ng uniform sa cashier na kami at WOW ......

35K ang tuition, 1st sem pa lang!
"Ma'am ano pong average nyo?"
"89.9 po"
"May discount kang 25% male-less yung tuition fee mo"
"Ay salamat naman, maintain mo lang yan. Dalwa na scholarship mo"-mama
"Ma'am 30k na lang po yung tuition nyo"

Haaay. Salamat naman at naless sya. Buti na lang nag aral ako mabuti chos ano daw?! Tapos bumalik ulit kami sa may admission at pumirma dun sa folder na puro tourism students lang. At binigyan ako ng folder na may laman na booklet yun pala yung do's and dont's sa school saka papel date ng orientation.

Woah. Ang bilis ng pangyayari may uniform agad ako. Pagdating ko ng bahay pinicturan ko kaagad tapos post sa insta. Nakakapagod na araw to. Anna Mae are you ready to enter college?

*Music* Eye of the tiger
Ten tententen
Ten tenten
Tententeeeeeeen
Tenenen tententen

BOW!

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon