Orientation Part 2

7 0 0
                                    

Almost 7:30 na din nung nakarating kami sa school may good morning welcome pa sila manong guard. Dumiretso agad kami sa gymnasium kasi dun gaganapin yung event, pagdating namin medyo may tao tao na din kaya humanap agad kami ng upuan gusto ko medyo malapit para rinig na rinig ko yung sinasabi. Pag kaupo namin aba biglang nag sitayuan pinapunta sa likod at pumirma daw ng sa attendance after non umupo na agad kami dahil duma-dami na ang tao at WOW SOSYALIN SILA HAHAHAHA. Eh ano? Maporma nga wala namang ibubuga sa good manners and right conduct saka baka walang ibubuga sa klase. Hindi naman sa nag tatalinuhan I'm just stating the fact here! Kaya wag kayong ano dyan ha! For sure kayo din naman nag iisip ng mga ganyan!

*Fast forward*
9 NA NAGSTART YUNG PROGRAM!!! AT GUTOM NA KAMI! KAYA DI NAUNLAD ANG PILIPINAS E, KULANG NA KULANG SA ISANG SALITA! Nakasimangot na ko nung kausapin ako ni Hannah.

"Nay tingnan mo ang gwapo oh"-Hannah
"Asan?!"-Ako
"Ayan nay, yang naka bonet! Ayan tatayo oh my gwad!"-Hannah
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! SYA?! PATAWA KA. ANG PANGIT KAYA!! HAHAHAHAHA SAKA MAPUTI LANG YAN PAITIMIN MO YAN EWAN KO NA LANG"-Ako
"Ay joke lang pala"-Hannah

Binawi! Natanggal yung pagkaka imbyerna ko. Tinitigan ko naman mabuti may itsura nga kaso mukang suplado saka badboy.

*Fastforward ulit*
"So July 15,16 &17 will be your prelims. August 22,23 & 25 your midterm. September 20,21 & 22, semi-final exam and October 13,14 &15 will be your final exam"

Pakshet! Sunod sunod na exam to ah?! Kaya ko ba to?! Halos magkakalapit lang ang dates. Makatulog pa kaya ako nito?! Pagkatapos nung nakakabiglang announcement na yun may nag entertain muna mga dancer ang gagaling nila shet may curve yung body nila huhu ako straight as in ruler at ang payat nila walang bilbil ako 3 layers bilbil ko nakakalungkot. May nagperform din sa theater, bartending, singing etc. After ng party party may last announcement pa. Jusko gutom na gutom na ko!

"Gutom na ba kayo?! So for closing remarks I want to remind all of you that Juky 15 will be the start of your classes and now I must say welcome and enjoy your stay Etonians!!"

Woah! Sarap sa feeling. Pero best feeling talaga e yung tapos na 2pm natapos. Nilibot namin yung mga building at hinanap na din yung room namin. CB405 room ko di kami magkaroom ni Hannah shocks kainis! Loner ako sa room.

Napadpad kami sa pang gitnang building, kasi tatlo lang naman building sa eton. Umakyat kami sa 4th floor grabe nakakalula ang taas. Nagsilip silip ako sa mga room at WOW DALWANG AIRCON. Sa room kasi namin nung highschool ako mga masisiba sa aircon sakanila lang tinatapat, NAIINITAN DIN HO KAMI. Nakakabwisit diba? Nagbabayad kami ng energy fee tapos di namin madama na may aircon kaya no choice kundi magpaypay! Halos maging macho na kami kakapaypay na wo-work out yung biceps namin HAHAHAHAHAHA. Talaga talaga?!

"Nak eto 405! Nahanap ko na room ko!"-ako
"Ako din! Magkatabi lang pala tayo ng room e!"-Hannah
"Oo nga, pano ba yan? Hiwalayan na talaga to sa 15"-Ako
"Oo nga nay e. Sayang di tayo magka klase"-Hannah
"Hayaan mo na. Intayin na lang kita dito sa pasukan"-ako

Pagkatapos ng konting chit chat eh umuwi na din kami nakakapagod ang layo kasi ng byahe. Pagkadating ko ng bahay almost 5pm na ko nakauwi kasi kumain na kami sa SM edi syempre bulagta na ko pagdating. Nakakapagod feeling ko papayat ako nito SANA.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon