[One]

252 6 1
                                    

1. ELI

A/N: Hi YumRed!

* * *

“I already moved on, Chord Eli.” Ngumiti ito sa lalakeng nasa harap niya.

“That’s good to hear, Eleanor.” Nilagpasan niya ito ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo, narinig niya muling nagsalita si Eleanor.

“Pero, hindi ibig sabihin nun, Nag-move on na din ang karma sa’yo. Chord, I’ll be the happiest when Karma strikes you. Oh, So better pray Karma hits you before I do.”

Napatigil si Chord sa paglalakad ngunit di pa rin nilingon si Eleanor, “Eh di mag-gag*han kami ng karmang ‘yan.”

At saka siya umalis.

Naglakad lang siya sa Mall nang mahagip ng mga mata niya ang isang babaeng tila nagmamakaawa sa isang lalake.

Napangisi si Chord at lumapit sa kanila. Hindi dahil gusto niyang tulungan ang dalawa sa kung ano mang problema kundi dahil gusto niyang masaksihan kung ano ang mangyayari. . .

Lalo pa’t kilala niya ang dalawang ito.

Huminto siya sa likod ng lalake at tahimik na pinapakinggan ang usapan ng dalawa.

“You’re kidding, right?” Maluha-luha nang bigkas ng dalaga sa binatang nasa harap niya.

Tinignan naman siya nito na parang naiinip, “I’m not.”

Napailing din si Chord sa narinig na sagot ng lalake, ‘Tss’.

Napayuko ang babae at ditto tumulo ang luha niya, “A-Alam kong mahal mo ako, Chill.”

Tinignan niyang muli si Chill na umaasang babawiin ang mga katagang, ‘Tapos na tayo’.

Ngumisi si Chill.

“Hindi kita Mahal ni hindi kita minahal.”

Gusto niyang sampalin ito dahil sag alit pero pinipigilan niya ang sarili. Nakakakuha na din kasi sila ng atensyon sa mga tao na dumadaan.

“You’re a Jerk, Elixir Chill.” Pinunasan niyang muli ang tumulong luha sa mata niya.

“Ang drama mo Elliah Reyes. Sht, Di mo bagay.”

Napakagat-labi naman si Elliah dahil sa sinabi niya. Inipon muna niya ang lahat ng lakas ng loob niya bago makipagsukatan ng tingin kay Chill.

“S-Sabihin mo nga sa akin Chill, Totoo bang . . .

Totoo bang pinaglaruan niyo ni Chord ang puso ko? Totoo bang ako ang biktima niyo ngayon?”

Dito napangiti si Chill, Isang mapang-asar na ngiti.

“Yeah. Salamat sa pagpili mo sa akin kaysa kay Espinoza. Ako ang nanalo sa round na ‘to.”

Napailing din si Chord sa nangyayari lalo pa sa binigkas ni Chill na salita. ‘Tss, Yabang talaga ng Ashford na ‘to.’ Isip ni Chord.

“A-Ang sama mo . . .” Napatakbo na lang paalis si Elliah habang umiiyak.

Tumalikod na lang din si Chill para umalis pero sa pagtalikod niya, nakita niya ang taong kinaiinisan niya na kanina pang nakikinig.

Si Chord.

Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon