[Nine]

34 3 0
                                    

9. Revealed

 

* * *

-CHARIE NIXON-

Gusto ko na sanang magmura pero hindi pwede. Masama. Pero nakaka-frustrate kasi. Kasama ko lang naman ngayon ang Master at Personal guard ko. Oh di ba? Magkakaalaman na ata.

“Ah. Your slave huh?” Halos di makapaniwalang tanong ni Chord sabay tingin kay Chill na nakatayo sa harap namin.

Ngumisi naman si Chill, “Bakit? May problema ba dun?”

Chord shrugged as a response. Wala talagang balak magsalita. Pero teka? Ba’t nandito si Chill? Wag niyang sabihing sinundan niya si Chord nung lumabas siya sa Gym?

“Chill, tumakas ka din?”

“Pagtakas ba ang tawag dito? I’m just checking my slave out.” Tapos hinawakan niya ako sa braso at tuluyang hinila patayo. Aigoo!

“Matapos mo akong palabasin kanina? May paycheck-out ka pang nalalaman dyan.” Bulong ko.

Agad din naman niya akong binitawan ng marahas. Halos nga itapon na niya yung braso ko palayo eh!

“Hey.” Narinig ko pang pag-angal ni Chord nang binitawan ako ng marahas ni Chill. Go Chord! Ipakita mo ang trabaho ng isang personal guard, gusto ko sanang isigaw yan pero seryoso silang nagtitigan ni Chill.

Tumayo na din si Chord at aakmang lalapit sa akin pero hinarangan siya ni Chill, “What are you trying to do Espinoza?” Mariing pagtanong ni Chill. Nandito lang ako sa likuran niya, nakikiramdam sa tensyon.

“Personal Guard’s duty, Back off Ashford.” Yun na naman yung line na yun eh!

Pero, Buking na talaga ako. Huhu. First day sa Blaze, Wala na. Di talaga ako magaling magtago

“Personal Guard? Kaylan ka pa naging interesado sa mga ganito?” May halos pang-aasar sa boses ni Chill.

“Why do you care anyway?” Ganun din ang tono ni Chord. Minsan lang magkaroon ng pagkairita ang boses ni Chord. At si Chill pa lang ata ang nagiging dahilan.

Napapa-lunok na lang ako. Nauubusan na ako ng laway. Ganito ba talaga kapag nagkakasama silang dalawa? I wonder. Matanong nga minsan si pinsan tungkol sa kanila. I bet, may alam siya tungkol kina Chord at Chill.

Narinig kong napa-tsk si Chill at tumingin sa akin. Napakagat ako ng labi ng napansin kong nag-aapoy ang tingin niya sa akin. Anu ba, wala naman akong ginagawang masama ah.

“Charles is your slave. Ok, How come then?” Tumingin din si Chord sa akin. At tulad ng dati, tinaasan niya lang ako ng isang kilay.

Ngumisi muli si Chill. I noticed his jaw tightened na parang nagpipigil na lang na suntukin ako. Grabe ang, di ba? “Sabihin na lang natin bayad sa pagiging tanga niya.”

I pouted. Naalala ko na naman yung Gate pass na yun! Psh. Pahamak kasi. “Di ko naman sinasadya yun ah.”

“Hmm?” Sabi ulit ni Chill na parang sinasabing ano-na-ulit-ang-sinasabi-mo.

Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon