4. One Month
* * *
-CHARIE NIXON-
“Sht. Bulag ka ba?”
Ayan na nga ang sinasabi ko eh. Dahil sa gate pass na ‘yan, dahil sa kakaisip nun, Nakabunggo pa ako ng isang *ehem* Gwapong nilalang.
Tumayo ako at inayos ang uniform ko.
“Sorry naman.”
“Aish. Tatanga-tanga kasi.”
Sabat niya yan habang pinupulot ang mga gamit na nahulog dahil sa pagkakabunggo naming kanina. Pero ako? Tanga? Kakasabi lang ni kuya X na huwag akong tatanga-tanga eh. Hays, Bakit ba naman kasi nagkaroon ulit ng pakpak itong isipan ko at lumilipad kanina. Geh, Korni. Haha. Eksdi.
Dahil aminado naman akong may kasalanan din ako sa nangyari at sadyang mabait ako, tinulungan ko si kuyang Suplado magpulot ng mga gamit na nahulog. Suplado naman ata talaga siya eh. Amp.
Habang namumulot, nakuha ang atensyon ko ng isang card. Tinignan ko naman ito ng maigi. Isang gate pass. So, parang ganito pala ang itsura ng gate pass na ‘yun. Now I know.
Muli kong tinignan yung gate pass.
E l i x i r C h i l l A s h f o r d
Official Gate Pass
I guess he’s Elixir Chill? Waah, Ang cool ng pangalan niya samantalang ako.. Heto na naman ako tungkol sa issue ng pangalan ko eh. Charie, Maniwala ka, ang ganda ng pangalan mo.
At dahil open itong hallway, bukas ang malalaking bintana, Biglang umihip ng malakas yung hangin at di ko sinasadyang mabitawan ang gate pass at ito’y lumipad. Flyyyyy~
NOOOOO.
“Oh Fvck! Ba’t mo binitawan? Sht. Sht!”
Astig ah. Puro mura na ang narinig ko. Hindi ko na siya sinagot pa at baka mas uminit pa ang dugo niya sa akin. Hinabol ko na yung lumilipad na gate pass. Ba’t ba kasi di ko inisip na papel lang yun?
Nagpatuloy ako sa pag-abot nung gate pass hanggang napunta na ako sa pool area. Waah, may pool area pala dito? Amaziiiiiing!
“It’s gone! Damn!”
Tinignan ko yung gate pass. Wala na nga. Nabasa na at tuluyan nang lumubog sa pool. Na-mental slap ko yung sarili ko. Ang babaw kasi ng kaligayahan ko. Simpleng pool lang, nawala tuloy ako sa focus.
At dahil sa gate pass na naman, sa tingin ko, mapapahamak ulit ako. T___T
BINABASA MO ANG
Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)
HumorSlow UD. What if the Prey turns out to be the Predator? This is not your typical Falling Game. © ImAirisshu -- Cover by PandaGeum
