[Seven]

41 4 0
                                    

 7. Tambayan

* * *

-THIRD PERSON-

Matapos paalisin ni Charie si Chord sa hallway dahil daw pupunta sa CR si Charie, napagdesisyunan ni Chord na pumunta sa tambayan. Ang tambayan nila - Chord, Ryder, Charlie at Chill. Dito na sila laging pumupunta bago pa man nagkaroon ng problema sina Chill at Chord.

Naglalakad lang si Chord at tumitingin-tingin sa relo. Sa pagtingin niya muli sa relo sa kanyang wrist, di niya namalayan na may makakasalubong siya.

*Tugsssssh*

"Sorry! Naku, Sorr--"

Napatigil ang babae sa pagso-sorry at nagkatinginan silang dalawa ni Chord. Napakunot-noo si Elliah dahil sa inis. Simula nung naghiwalay sila ni Chill at nalaman niya ang tungkol sa laro ng dalawang Eli, ngayon niya muli nakita si Chord.

Si Chord na nanligaw din sa kanya. Sino nga ba naman ang di magtatanim ng galit matapos mong malamang napaglaruan ka?

"Binabawi ko na pala ang Sorry ko." Mariing sabi ni Elliah kay Chord.

"Ge."

Lalagpasan na sana ni Chord si Elliah pero hinarangan siya neto. Napataas lang ng kilay si Chord na parang pinapaalis si Elliah sa harap niya.

"Ang sama mo din eh nuh? Pareho lang kayo ni Chill. Pinaglaruan niyo ang damdamin ko. You're both heartless bastards."

Hindi nagsasalita si Chord. Nakatingin lang siya sa kawalan kaya napahinga ng malalim si Elliah.

Nagsalita siyang muli, "Tandaan mo, Maghihiganti ako."

Gustong matawa ni Chord. Shet lang kasi, Higanti daw? Eh wala naman pakialam sa mundo ang isang Chord Espinoza.

"I don't care." Yan lang ang mga salitang lumabas sa bibig ng binata. Pero sa isip ni Chord, napailing siya. Balak kasi niyang di magsalita pero nagsalita pa rin siya. Ang daldal kasi ni Elliah.

"Talaga? What if ang paghihiganti ko ay ang ikakatalo mo? Ohw, ang ikakatalo niyo palang dalawa sa mismong laro niyo? Sounds exciting.

"Isa lang ang sinisigurado ko, Chord. I'll never let your next target to end defeated just like me. Ilalabas ko ang mga baho niyo sa kanya."

Yan ang huling sinabi ni Elliah hanggang tuluyang malagpasan si Chord. Isa itong paalala para sa binata dahil gusto niya talagang makitang matalo hindi lang si Chord kundi pati si Chill sa mismong laro nila.

Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon