[Eight]

37 4 0
                                        

8. Practice Game

 

 

* * *

 

-CHARIE NIXON-

 

"Charie! Panoorin mo akong maglaro ha?" Tumango na lang ako kay Zyle matapos nyang sabihin 'yan. Kahit anu naman gawin ko, mapapanood ko talaga sila.

Pero, first day ko pa lang sa Blaze, feeling ko kilalang-kilala ko na sila. Hindi naman sa feeling close ako pero nasa lahi na ata namin ang pagiging friendly. Lalo pa't may tatlo akong kuya, siguro sanay na akong makisama sa mga lalake.

Kanina pa kami dito sa Gym at wala talagang kupas. Bukod sa sobrang lawak, maayos pa ang ventilation kaya di ka talaga maiilang.

Bumukas ulit ang pintuan kaya natuon ang atensyon namin sa kanya. Isang lalaking nasa mid-20s ang pumasok. Ih. Ang gwapo din niya. Seryoso, punong-puno ng gwapo dito sa PULA.

"Guys, Let's start." Sabi niya.

Uhnm. Coach nila siguro 'to. Maya-maya'y, dumako yung tingin niya sa akin. Nakaupo lang kasi ako dito sa isang tabi.

"New kid from Class Blaze, huh."

Obviously, ako kausap niya kaya nginitian ko siya.

"Call me Coach Archie."

"Ah. Ako naman po si Charie." Wow, parang pinagpalit-palit lang ang pwesto ng mga letters sa pangalan namin. Haha, crush ko na ata si coach eh.

"Nice name--"

"Then, you're definitely wrong coach. Kung alam mo lang ang totoong pangalan niya." Singit ni Chill at biglang siyang ngumisi sa akin. Naku! Lagyan ko ng masking tape ang labi neto para tumigil sa kakangisi eh.

"Call him Charles, coach." Sabat naman ni Chord at tinaasan din ako ng kilay. Aba! Pinagtutulungan nila akong dalawa ha. Parang close sila. Teka nga.

"Friends kayo?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa kaya bigla silang nag-iwas ng tingin. Oh di ba?

"Tch." - Chill

 

"Ah." - Chord

Haha. Ako naman ang ngingisi ngayon. Napatunayan kong di talaga sila magkasundong dalawa.

 

"Haha. Tara na nga. Magsimula na tayo. Charie, just stay here, ok?" - Coach

Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon