[Six]

65 5 2
                                    

6. Team Phoenix

* * *

-CHARIE NIXON-

"I'm your personal Guard, remember? I'll follow you wherever you'll go."

At mas lumapit pa siya sa akin. Naalala ko tuloy yung paglapit din niya sa akin kanina sa Blaze.

Umatras ako, Lumapit siya. Hanggang napasandal na ako sa pader sa kakaatras. Ano bang iniisip neto?!

Mas nagulat ako nang nilagay niya yung dalawa niyang kamay sa pader. Ang labas, nakulong ako sa braso niya. Tapos ang tindi pang makakatitig.

Nilapit niya ang mukha niya kaya ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Seryoso, naka-high si Chord. Rinig ko pa ang paghinga niya.

"Scared?" Tanong niya kaya umiling ako. Kaylan pa ako natakot? Hindi na ako nagsalita dahil baka lumala pa ang sitwasyon, y'know.

Narinig ko ang pag-smirk niya, "I'm your personal guard but I also have my standards. Hwag kang mag-alala, You are under the passing line." Yan ang sabi niya bago lumayo sa akin. Kaylangang diinan ang salitang 'under'? -__-

Kapal netong Chord na 'to. Pasalamat siya at hindi ako gumawa ng aksyon para masuntok siya. Tsk tsk. Porke't gwapo. Di bale, mas gwapo naman ang pangalan ko kaysa sa kanya. Eksdi.

"Tara, I'll lead you to the Cafeteria." Sabi niya at nagsimula ng maglakad.

Eh. Paano na si Chill? Ayokong malaman ni Chord na Slave ako ni Chill. Mamaya, baka magsumbong pa siya sa mga magulang at kuya ko. Tapos lalabas na Hard-headed akong bata.

"Uhm. Chord, Sa CR lang ako."

"I'll follow you then."

 

This timr, kilay ko naman ang tumaas, "Seriously Chord? Susundan mo talaga ako sa CR?"

"I will stay outside." Sabi niya ng nakatalikod sa akin.

Umiling ako kahit alam kong di niya ako tinitignan, "Huwag na. Gusto mo lang ata akong makasama ng mas matagal eh. Yieeh." Tukso ko sa kanya.

"Tch. Fine." Sagot niya saka umalis na nang tuluyan. Haha. Effective, di ba? Now, Time na para magtuos kami ni Chill.

* * *

-THIRD PERSON-

Umalis na si Chord sa hallway.

Naalala niya nang lumabas si Charie kanina sa Blaze. Na-curious kasi siya sa nangyari kanina lalo pa't nakita niyang may inilapag na papel si Chill sa desk ni Charie.

Let's Play Hearts, Eli (SLOW UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon