Classroom

2.5K 39 4
                                    

Sabi nila ang school daw ang pangalawa nating bahay. Sabi lang naman nila 'yun. 'Sus nasa iyo na kung papatulan mo o hindi. HAHAH. Joke lang, pero ako man pangalawang tahanan talaga ang turing ko sa school.

Nasa school kasi yung mga barkada ko, yung pantasya ko. Oo pantasya in short crush. 'Sus sino sa inyo ang hindi pinagpantasyahan ang crush? Oh sige mga sinungaling kayo! HAHAH. Kahit sabihin niyo pa na kayo lang ang nakakaalam na crush niyo ang isang tao malamang nagkaroon na kayo ng pantasya 'no. Hindi niyo lang shineshare. pffft.

Hindi sa pagmamayabang pero lahat ng nagiging crush ko nagkakaroon din ng crush sa akin. Okay, hindi ako kagandahan, as in I'm super plain. As in parang blank brown bond paper. HAHAH. Pero sabi nila may something daw sa akin na nakakapang attract ng mga tao kaya madali nila ako makasundo. Kung ano naman 'yun ako man hindi ko alam.

Teka, mag kukwento na ako. Baka kung saan pa ako mapunta eh. Ang daldal ko pa naman. Minsan kahit wala ng katuturan kwento pa din ako ng kwento.

Nagsimula kasi 'to lahat noong 2nd year high school ako eh...

"YeRi! Andyan na siya!!!" Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin. Amp! Si Cedric papasok na ng room. Ang gwapo niya talaga. Hindi lang naman ako ang may crush sa kanya. Halos buong campus. Sa classroom namin karamihan sa lalaki puro gwapo kaya ang ibang section naiinggit sa amin. Ako naman naiingit sa kanila kasi nasa ibang section ang mga gusto ng mga lalaki sa section namin.

"Ang ingay mo." Pinalo ko siya sa balikat tapos umupo na ako sa upuan ko. Nasa unahan siya kasi Almazar ang surname niya samantalang ako Jeon, medyo nasa likuran na. Nakokontento na lang ako ng patingin tingin sa kanya tuwing may klase.

Minsan pa nga eh, nagugulat na lang ako yung sinusulat ko'ng lecture nandun na yung pangalan niya. Nabababoy tuloy yung notebook ko kasi lagi ko'ng binubura ng correction tape yung pangalan niya. Napapagalitan tuloy ako nga mga teacher. =__=

After class uwian na, mag kaiba kami way pero nagkakasabay kaming maglakad papunta sa sakayan. Magkaklase kami pero hindi kami nag uusap. O dahil siguro kasisimula pa lang ng klase at kalilipat ko pa lang sa section nila. Minsan nga hinihiling ko na sana mag karoon na kami ng group project at magkagroup kami, para may dahilan ako para kuhanin ang number niya. Syempre malabo 'yun lalo na't malamang sa oo alphabetical ang gagawing groupings.

Nagkahiwalay na kami sumakay na siya sa sasakyan niyang jeep, ganun din naman ako. Tapos na ang pag deday dream ko na mag kasabay kaming naglalakad at masayang nag kukwentuhan. Basag na naman ako. Pag sakay na pag sakay ko chineck ko kaagad yung handy phone ko.

13 new messages

"Ang dami ah?" Wala naman ako'ng ineexpect na mag tetext sa akin ngayon. Inopen ko, nagulat ako puro unknown number lang. Pag ganun hindi ko pinapansin, unless na lang kung mag papakilala kaagad.

Beep/ 1 message received.

'hi! i'm czasandra can you be my txtmate?

Reply: sure! ako pala si YeRi.

At ayun ang daldal ni Czadandra, madalang ako makipagtext sa babae. Kadalasan kasi mga lalaki ang barkada ko kaya madalas lalaki mga katext ko. Kinabukasan sa classroom, parang may nagbago kay Cedric...

***

Vote.Comment.Like

I'm new here. I'm hoping to be friends sa inyo. :) ♥

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon