Birthday Gift.

709 22 16
                                        

October 21, 20xx

text conversation between YeRi and Wing.

wing: sgutin mo n kc si ced, bday gift mo na skin.

ako : hahah. bkit ba mas atat k p ky ced? pti bukas n bday mo db? anu yung 1week lng sya nanligaw?

wing: ano nmn kng 1week lng? ilang buwan na ba kaung MU? prng kau na nga eh. tsk. cge na kc. ngaun na. bukas kasi sa2gutin n ko ni nin. di pdeng sby.

ako: ngaun n? panu? di nmn kmi mgki2ta ngaun. sunday kaya ngaun.

wing: gnun din un.dli na alam ko nmn mgktxt kau eh.

ako: wag ka nga atat. tsk

wing: cge ng kc. please? un na nga lng bday gift mo eh.

ako: kk. fine. sndli lng.

wing: thanks. hahah  

Text conversation between YeRi and Cedric

ako: hal ko, kinukulit ako ni wing. haha. sgutin n dw kta. XD

ced: gago tlga un. wg mo nlng pnsinin. hahah

ako: twag ka? ced: bkit?

ako: my ssbhin ako.

ced: wla n pla ako load pntwg. txt mo nlng hal.

ako: err. di ko alm kung panu ssbihin sa txt. :(

ced: ano b kc un? wait ko si mama tpos twgan kta.

ako: ha? wg na. ano lng nmn. uhm. sinasagot n kita.

ced: ano? cnasgot mo na ko? tau na?

ako: ayaw mo? haha

ced: wla ng bawian yan ah! i love you, hal ko. :*

ako: i love you, too. :">

--kinabukasan--

"YeRi totoo na 'tong narinig ko kila Wing?" Tinaasan ko ng kilay si Toni, yung parang nagtatanong. "Kayo na daw talaga ni Ced?"

"Ah~ Oo, kagabi lang. Hihi." Kinurot niya ako sa tagiliran.

"Ang landi. HAHAH. So paano nangyari?" Umupo kami sa vacant chairs sa bandang dulo ng room.

"Kinukulit kasi ako ni Wing kagabi eh, birthday gift ko na daw sakanya yung pag sagot ko sa best friend niya. Kaya ayun, tsaka tama naman siya eh. Tagal na naming M.U ni Ced." Tumawa siya, tapos parang kinikilig din at the same time.

"Sila na din ni Nin eh, kaya siguro pinilit ka kagabi para parehas sila." Nag high five lang kami. "Nandyan na siya." Tumingin ako sa pinto, papasok na si Ced. Sheet. Parang nahihiya ako'ng tumingin sakanya. Ngumiti siya sakin, kaya ngumiti na lang din ako. Hindi naman siya lumapit sakin o ano. "Ganun lang?"

"Eh hayaan mo na. Syempre awkward pa. Nahihiya nga ako tumingin sakanya eh." Tinakpan ko yung mukha ko.

*bzzt*

from: kuya ye prktz ng bnda mmya. 6pm bwl late. multa ok?

-Kuya Ye.

*bzzt*

from: hal ko. hal, htid kta mmya pg-uwi?

-ced

reply: hal, my prktz kmi bnda. 8pm p ko uwi. nxt tme nlng. sorry.

ced: oks lng. :)  

Hindi na ko nakapag reply dumating na din kasi si Ma'am eh. Tahimik lang ako buong mag hapon, kasi nahihiya talaga ako. Halos buong room kinongrats ako. Gara ng feeling. Hindi ko maiexplain. Hay, pero masaya ako.  

"YeRi balita ko kayo na daw ni Cedrick ah?" Si JJ, classmate ko siya nung first year. Tinanguan ko lang siya.   "Weh? Di nga?"  

"HAHAH. Oo nga, kahapon lang."

 "Prove mo nga?" Kinuha ko yung phone ko tapos tinext ko si Ced ng 'I love you'.

*bzzt*

from: hal ko.

i love you, too hal ko.

 Pinakita ko sakanya yung reply. "Oh tignan mo."  

"Yiie. Edi kinikilig ka na niyan?" Tinawanan ko lang siya, close naman kami kaya hindi ako napipikon sakanya. Nanligaw kasi siya sa bff ko dati nung nandito pa siya. Kaya lang lumipat na 'yun sa malayong school. Sayang lang.

 Hindi ako makapaniwala na ang bilis kumalat yung balita na kami na ni Ced, kasi yung mga dati ko'ng kaklase pati yung mga kayear level ko sa banda alam na nila, pero hindi naman nila sinabi sa band master namin. Sheet. Nahihirapan ako kumilos kasi tinatanong nila ako ng tinatanong.  

"Hal!" Nagulat ako nung nasa labas ng gate si Ced. "Hatid na kita."

 "Wag na, sabay na lang tayo papunta sa sakayan." Nag sad face siya. "Gabi na po kasi, baka iba na akalain ni Mama mo."  

"Alam naman ni Mama na ihahatid kita eh." Nanlaki yung mata ko. "Alam nila Mama at Papa, pati na ni Ate na sinagot mo na ko." Lumapad yung ngiti niya sa labi.  

"Omo. Hindi nga?"  

"Oo nga, ikaw ba kailan mo sasabihin sa parents mo?" Ako naman yung biglang nag sad face.  

"Alam mo naman, ayaw pa nila Mama na mag boyfriend ako." Hinawakan niya yung kamay ko, naka in between yung mga daliri namin.  

"Okay lang 'yun, sa susunod na lang. Sa tamang panahon. Tara na?" Magkaholding hands kaming naglakad papuntang sakayan.  

---

  asdfghjkl. ngayon lang ulit ako nag update dito. HAHAH. May nagbabasa pa ba nito? sorry, hinalukay ko ba yung baul ng alaala ko eh. >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon