Mas maganda kung pinaghihirapan

479 10 0
                                    

Hindi ko maintindihan, ang labo ng mundo. HAHAH.Hindi naman ito ang una'ng beses na nainlove ako. I don't know kung paano nagagawang baguhin ni Ced ang bagay bagay sa paligid ko. Having him is really one of the amazing things that happened in my life. Alam niyo yung feeling na hindi man kayo nag-uusap sa personal pero the feeling is mutual? Ang gulo, we're super close na sa text we act na nga as couple sa text eh. Pero hindi sa personal, may hiya pa din kung minsan.

From: hal ko. (T/N. AHEM!)

hal tayo na ba?

To: hal ko.

hindi ko alam saiyo.

Puro ganyan lang pinag usapan namin, hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatanong nang ganun. Hindi ko nga alam kung talagang nanliligaw na ba siya nung lagay na 'yun eh. Okay, sabihin na nating nanliligaw siya, pero sa text lang naman 'yun, though nararamdaman ko naman na madalas siya nag seselos pag andyan na si Harold. Pero wala namang something samin ni Harold! Hmp.

Kinabukasan, shorten period lang kami sa school, pero after class may practice kami sa Varsity Band. Bago kami mag practice kumain muna kami sa malapit na kainan sa labas ng school, hindi ko kasama si Ced, kasi hindi naman niya ako pinapansin. Duh, nanliligaw ba 'yun? After ko kumain, lumabas na ako, sila Toni kasi hindi naman kasali sa Varsity kaya uuwi na sila after eh ako babalik pa sa school. Paglabas ko ng kainan nakita ko si Ced kasama si Karlo (Na hindi nila alam ay malayo'ng kamag-anak ko. HAHAH.) Hindi ko pala sure kung talagang magkasama sila o may hinihintay na iba si Karlo, nakita ko kasi sa loob 'yung girlfriend niya eh.

"YeRi." Napatingin ako kay Ced. "Uhm... I... I... love you." Nagulat ako sa sinabi niya. As in naspeechless ako.

"Ha?" Nung pagkasagot ko nun, parang gusto ako'ng batukan ni Karlo.

"I love you daw!" Ulit ni Karlo.

"Ah. Karlo I love you daw." Hindi ko alam kung bakit 'yun yung sinagot ko. Ewan ko ba masyado ako'ng nagulat.

"Ugh. Sige alis na ko." Tapos nag madali siya'ng umalis. Si Karlo na papailing na lang.

Habang naglalakad ako pabalik sa school tsaka lang nag sink in sakin yung sinabi niya. Sinabihan na ako ni Ced ng 'I love you' sa personal. At hindi ako nananaginip. OMG ano yung nasagot ko? 'Ah. Karlo I love you daw'? What the!? Ano'ng sagot 'yun? Hindi kaya nainis sakin 'yun. Bago pa ko makarating sa practice room namin, tinext ko na siya. Kasi pag pasok ko panigurado kukunin na yung phone namin.

to: hal ko

hal q, sorry ang slow q lng knna. di kgd na process ng utak ko ung cnbi mo nbgla kc aq eh. I love you, too. so it means tau n?

After na nung practice ng banda tsaka ko lang nakita yung reply niya.

fr: hal ko

di pa. mas mgnda kung pnghihirpn, ayw mo bng paghrapn kta? iloveyou. :)

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon