Mga tsismoso.

827 22 8
                                    

Ako na, ako na ang mahaba ang buhok. Taray lang, kinikilig lang ako kay Cedric. I didn't expect him na may kasweetan din pala siya sa personal. I mean at first kasi mag katabi na lang kami mag katext pa kami. As in hindi kami nag uusap. PURE TEXT lang, ang sarap palitan ng title nito ng TEXTMATE. hahah.

Kakatapos lang ng 1st week ng July at sinabi na samin ang mga activities for Nutrition Month. Medyo madami din, Quiz Bee, Cooking Demo, Poster Making, Mr. and Ms. Fitness, at NutriPop. Sa cooking demo ako sumali kasi nadala na ako sa NutriPop. Nagkalat lang kami nung first year. Nakakahiya lang. Hehehe.

Since may event sa school, bukod sa preparation for cooking demo busy din ako sa practices namin sa varsity band. Halos every day after class may practice kami. Kapagod lang. Hindi na din ako masyado nakakatext, wala 8pm na ako lagi nakakauwi. Sayang lang unli pag nag unli ako.

beep/1 message received

From: Cedric

hal, ok lng b kung kpartner ko c sel? inis lng. klangan daw my partner. di ba pdeng kaw nlng?

Hal, shortcut ng mahal. Lewls. Sabi ko naman sa inyo sweet siya eh. Hindi pa kami pero ang tawag na sa akin. HAHAH. Ako na kinikilig.

To: Cedric

ano kb? oks lng un no.pti di nga aq pde sumali kc nasa cooking demo na aq.ska bc aq sa bnda.

From: Cedric

cge usap nlng tau bukas. ^^ ingat ha? wat time uwi mo? mlapit na matpos prkts nmin. htid n kta.

To: Cedric

lpit n dn. nkkhya nmn. kya q n nmn umuwi. :)

From: Cedric

oks lng. otw n q dyn wait mo q sa gate ha? ^^

Hindi na ako nakareply kasi nipapagalitan na ako nung bandmaster namin. Bawal kasi ang handy phone kapag may practice eh. After nang praktis nag palit kaagad ako ng tshirt, napagpawisan kasi kanina yung suot ko. Nakakahiya naman kung amoy pawis ako pag nag kita kami. Nauna na ako'ng nag paalam. Pag dating ko sa gate nandun na nga siya, kasma yung mga barkada niya si Wing, si Allen, at si Jess.

"Ang dami niyo ha?" natatawa ko'ng sabi.

"Oks lang, parehas lang naman tayo ng way eh. Si Cedric lang naman ang babalik pa dito para lang makauwi mamaya." sabi ni Wing. Yun nga ang naiisip ko. Babalik pa dito si Cedric mamaya, kasi nga iba nga way namin.

"Okay lang naman kung wag mo na ako ihatid. Gagabihin ka pa lalo oh?" Lumapit siya sa akin at pinat yung ulo ko.

"Okay lang, tara na?" inalalayan na niya ako hanggang makatawid kami. Dahil medyo gabi na nga wala na masyado jeep. Asar lang. Yung nasakyan tuloy namin medyo puno na. Kaya hindi na kami nag katabi, ang katabi ko si Wing na kandong si Allen.

"Manong bayad ko ho." Sabay abot ng bayad ko.

"Nag bayad ka na? Dapat ako na lang ang bayad." Napatingin ako sakanya, medyo inis kasi yung facial expression niya.

"Sorry." Yung lang, pero hindi na niya ako pinansin. Hanggang sa nakababa kami, at nag lalakad na papunta sa bahay hindi niya pa din ako pinapansin. Hanggang nasa gate na kami wala pa din. "Uy, ingat ka ha? Salamat pala." Tumango lang siya, tapos sinenyasan ako na pumasok na ko. "Hindi, titignan ko muna na nag lalakad ka na saka ako papasok." tumango ulit siya tapos nag lakad na. Hindi man lang nag bye bye  or something.

Nung medyo nakalayo na siya, tsaka ako pumasok sa gate. Tapos tinext ko kagad siya.

To: Cedric

ui. ingat ka ha? txt ka pgnkauwi ka na.

From: Cedric

ge.

Yung lang. As in? Nalaman ko lang na nagtatampo pala siya dahil hindi siya yung nag bayad nung nag gm siya. Err. Katext ko yung mga barkada niya, medyo matampuhin daw talaga si Ced, kaya intindihin ko na lang daw.

Kinabukasan, TLE una naming subject kaya nag papractice lang sila ng sayaw at kanta, kami naman gumagawa ng wala. Nakatunganga lang sa room. Hindi pa naman ako nag aalmusal kaya inaya ko sa canteen si Kinako, nagugutom na kasi ako eh. Pabalik na kami galing canteen ng makita ko si Cedric sa gilid ng P2 room. Hindi ko na siya tinawag, pero pag lagpas namin tinawag niya ako, usap daw kami. Nag punta kami sa likod ng canteen.

"Sorry pala yung kagabi ha? Kasi naman ikaw eh, hinatid nga kita ikaw naman nag bayad ng pamasahe mo." Nakayuko lang siya, ako naman natatawa ang cute niya kasi eh.

"Okay lang yun, hindi kasi ako sanay ng nililibre eh." Napangiti na din siya, siguro sinure niya lang na hindi ako galit. "Tapos na practice niyo?"

"Hindi pa, hindi ako makapractice ng maayos kasi makikita mo kami ni Sel na nag papractice." Nagulat naman ako dun.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun, sige na balik ka na sa practice niyo." pinat ko yung shoulder niya.

"Hoy ano yan!? Kaya pala wala sa practice ah!" Nagulat kami nandun sila Wing. Napayuko naman ako sa hiya. "Kayo ha? Meron ba kaming hindi alam?" Napailing na lang ako at naglakad na palayo.

"'Sus tsismoso kayo, ano naman kaya ang hindi niyo malalaman?" Natatawa ko'ng sabi habang naglalakad palayo sa kanila. Naririnig ko pa na inaasar nila si Cedric. Natawa na lang talaga ako.

***

Comment♥Vote♥Like♥Become a Fan :))

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon