Bahala na si Batman.

518 10 0
                                    

So far so good, hahah. Hindi pa din kami masyado nag-uusap sa personal. Puro text pa rin kami hanggang ngayon. Improving lang kasi may "i love you" na minsan sa text. LOL. Pero yung totoo? Kinikilig talaga ako, ewan ko ba ang landi ko ata kasi na inlove kaagad ako. Pero ano'ng magagawa ko? Kung kayo nasa kalagayan ko baka nainlove din kayo kagad sa kanya.

---Fast forward---

"Kailan mo siya sasagutin?" Tanong ni Toni.

"Hindi ko pa alam, bahala na siguro? Pag sinabi niya sakin ng personal yung 'I love you'?"

"Paano kung hindi niya sabihin?"

"Eh~ Edi pipilitin ko siya'ng sabihin niya. Hahah. Bahala na siguro si Batman, mahal ko na din naman siya eh." Sabi ko sabay kuha ng notebook ko sa math. Hindi pa kasi ako gumagawa ng assignment namin. Mahirap na baka lalo ako mapunta sa unahan. (Kasi po ang ranking po sa amin sa Math ay kung sino yung mga mabababa nasa harapan yung matatalino nasa likuran. Syempre pangarap ko namang mapunta sa likuramn 'no. HAHAH.) "Harold, pakopya naman ng ASS oh?" Tanong ko kay Harold, sa lahat siya yung pinakakaclose ko, hindi ko alam kung bakit. Basta close lang kami.

"Hindi ka na naman gumawa ng assignment mo?" Nginitian ko lang siya sabay angat nung book ko at notebook. "Ikaw talaga, tara turuan kita para hindi ka nasasanay nang nangongopya." Ayun, yung pangongopya ko nauwi sa turuan, proud naman ako kasi nasagutan ko na yung assignment namin. Naintindihan ko thanks to Harold.

"Thanks ha? Sa susunod ulit." Tumayo na ako tapos pumunta sa original place ko sa second raw. Yeah ang baba ng grade ko sa Math. Kaasar lang.

Mahaba pa yung time bago yung Math namin kaya dinukdok ko muna yung ulo ko sa desk ko para makatulog. Medyo antukin kasi ako kaya gusto ko laging natutulog ako. Nagulat na lang ako ng binatukan ako ng mahina ni Toni.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Papasok na si Cedrick." Hindi ko siya pinansin binalik ko yung pagkakapwesto ng ulo ko. Naramdaman ko'ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko na siya pinansin baka yung katabi ko lang 'yun.

"Hoy! Andyan na si Ma'am." Nagulat ako nung narinig ko yung boses ni Harold. Napaangat tuloy ako ng ulo. Nakita ko nga si Ma'am papasok na ng room. Umayos na ako ng upo at pati yung notebook ko pinasa ko na sa leader namin para marecord niya na may assignment ako.

--Konting fast forward--

Science na at magkatabi kami ni Cedrick, hindi pala kami mag katabi, mag katapat lang. HAHA. Pero halos mag katabi na din. Nag aabang ako ng text galing sa kanya pero wala, tumitingin tingin din ako sakanya. Nakakapanibago kasi seryoso siya ngayon sa pakikinig sa Biology namin. Parang may something na ewan. So ayun hinayaan ko na lang. Nag lecture na lang ako tulad ng everyday routine ko.

--fast forward ulit ng konti--

Uwian na, hindi na talaga niya ako pinansin. Ewan problema ba nun? Gusto ko sana tanungin mga barkada niya nahihiya naman ako. Bahala na nga si Batman mamaya kung magtetext o hindi. Pag hindi bahala na bukas.

--Short update, bawi ako bukas. :)

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon