Ako lang siguro ang nag iilusyon na parang nag bago si Cedric. Ako na talaga. Feeling ko lang medyo close na kami. Oh assuming lang ako? err. Since first grading palang ang inaasam ko'ng group project ay napurnada dahil sa individual ang mga projects namin. Kainis lang. Pero magkakaroon daw kami ng mga group activities kaya medyo nabuhayan ako ng loob.
"Jeon, Patterns, Chiba, Almazar... Group 4." Wait! Tama ba rinig ko? Kagroup ko si Almazar? "Okay sino leader niyo?" Nag simula na silang mag turo-turuan, ako naman hindi parin makapaniwala...
"Ma'am si YeRi na lang po, since siya naman po yung laging highest sa quiz." Bigla ako'ng natauhan.
"YAH! Naega wae yo!?" tinignan nila ako nang nakakapagtaka. "Bakit po ako?" [Why should I?]
"Kasi 'di ba ikaw naman yung magaling dito sa biology class? Ikaw na lang..." Hindi ko alam pero bigla na lang ako napatango, si Cedric kasi yung nag sabi eh. Hindi ako nakatanggi. >.<"
"Okay, okay na yung group 4, group 5..." Nagtawag na ulit ng nagtawag si Ma'am kami naman nag usap usap na sa gagawin namin. Hindi ako makapag concentrate. err.
"Ganito na lang, since break time naman after nito at sure naman ako'ng tatambay lang tayo sa susunod nating room. Dun na lang tayo mag usap usap. Hindi pa kasi ako tapos sa lecture, pati wala pa ako'ng naiisip eh." Sabi ko sabay taas nung notebook ko. Nag sipayag naman sila kaya bumalik na ako sa upuan ko. Natapos yung buong class na hindi man lang ako nakapagrecite kainis. Favorite ko pa naman ang biology. =__= Kasi naman eh...
"Mag bulagaan na lang tayo? Dalawang partner oh?" Sabi ni Jess Patterns. Lalaki siya okay? At isa din siya sa pinakagwapo sa room.
"Corny naman Jess, Wala ka na bang ibang naiisip?" Si Kinako inirapan si Jess. lagi na lang silang nag aasaran. Balita ko since 1st year pa yang dalawa na 'yan.
"Bakit hindi na lang Pinoy Henyo?" May bigla ako'ng naisip sa sinabi ni Cedric.
"Tama, lagyan natin ng twist. Kukuha tayo sa mga classmate natin ng pwedeng sumagot tapos imbis na sila ang magtatanong kung tao bagay o hayop, gawin natin bigyan natin sila ng mga trivia about dun sa mabubunot nilang word hanggang sa mahulaan nila. Mag bigay na lang tayo ng premyo para maengganyo silang sumali." Pinag isipan nilang maigi yung sinabi ko, na hindi ko naman alam kung nagets nila or what.
"Oh sige, 'yun na lang. Maganda na yung idea na 'yun. Saan tayo gagawa ng mga props?" Tanong ni Cedric. "Hindi pwede kila Jess, masyadong malayo. Kinako sa inyo?"
"Papaalam muna ko kay kaa-san. Pero tingin ko di papayag 'yun."
"Sa bahay na lang namin, since malapit lang naman 'yun dito sa school." Prisinta ko. Papayag naman si Umma pag sinabi ko'ng project eh.
"Oh kila YeRi na ha? Sa saturday na lang para walang pasok. Text text na lang kung what time. Jess text mo ako kung ano'ng oras ha?" Yes! Mukukuha ko na number niya. Eto na. Nilabas ko yung phone ko para isave yung mga number nila, nagulat ako ng bigla ng bumalik sa upuan niya si Cedric. Hindi ko na nakuha yung number niya... >.<"
Nagdaan ang ilang araw Saturday na. Natapos at natapos kaming gumawa ng props hindi ko pa din nakuha yung number niya. Asar lang. Nag kayayaan mag SM, since close na naman kami ni Kinako kaya sumama na ako. Nag gm pa ako na mag eSM kami.
Beep/1 message received
czasandra: SM k dn? meet tau? kta tau sa fudcort.
me: cge. w8 punta na aq. ok lng ksma q brkada q?
czasandra: cge lng. lpit aq sa filbars ha?
Nakarating ako sa harap ng Filbars nag hahanap ng babae. Nakalimutan ko'ng tanungin kung ano'ng itsura ng damit niya. =___= Nagvibrate yung handy phone ko. May tumatawag... czasandra. Sakto. Sinagot ko kaagad.
"Uy saan ka?" Tanong ko kaagad. Nagulat ako ng lalaki yung sumagot.
"Dito sa likuran mo." Napatingin ako sa likuran ko,,, Si Cedric. O.O Binaba na niya yung phone niya naputol na yung tawag. "Hi! Ako nga pala si Czasandra. I mean Cedric."
"Eh?" Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, kung paano ako magrereact. Si Czasandra... Cedric? "Wait. Nalilito ako..." Napakamot siya ng ulo.
"Ako si Czasandra yung katext mo. Sorry kung nag pretend ako'ng girl ah? Baka kasi magalit ka kapag sinabi ko'ng ako si Cedric eh." Mas lalo ako'ng nagulat. Kasi naman... Sinasabi ko kaya kay Czasandra na crush ko si Cedric na kaklase ko. T^T "Ahm... YeRi okay lang ba kung manliligaw ako?"
"Kanino?" Ay... Ano ba yung na sagot ko. Natawa siya.
"Sa iyo..."
***
Alam na.
Comment♥Vote♥Become a Fan!♥ :)