Selos.

692 18 6
                                    

NutriPop na, kami ang opening ng event. As in yung Varsity Band po. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. HAHAH. Hindi naman ito yung unang beses ko'ng tumugtog ng may event since one year na ako sa banda, ngayon lang ako kinabahan. Baliw lang ako.

After naming tumugtog binalik na namin yung mga gamit sa Main Campus namin, oo nasa Annex ang aming gymnasium kung saan ginaganap ang mga events. Pagkatapos na pagkatapos ko mag palit ng damit, bumalik na kagad ako sa annex (Sayang sa pamasahe. -__-"). Gusto ko lang manuod, buti na lang naunang mag perform yung mga 1st year kaya umabot pa ako.

Hindi ko na ikukwento kung ano'ng nangyari sa kanila, ang sasabihin ko lang. Intersection palang talo na kami. End of story ng NutriPop. LOL. After ng event nagkayayaan ng umuwi, syempre pagod na kaming lahat at nakakapanghina pa dahil nga talo kami. Nauna na ako'ng umuwi kasama ng mga barkada ko. Si Cedric naman mag FS lang daw siya saglit, tapos saka siya uuwi. (Oo, FS pa uso noon. lewls.) Pag-uwi ko naman, nag bukas ako kaagad ng FS, titignan lang kung may bagong comments at kung sino yung mga bagong nag view, at kung meron bang nag grab ng photos ko. Yabang lang, meron naman kasi talagang nag gagrab ng photos ko, hindi ko alam kung bakit.

Sa FS uso yung mga comments nagraphics, pag check ko ng profile ko ang daming post na comments from cedric. Puro graphics na may nakalagay na 'I love you'. Hindi naman ako nahihiya kaya lang kasi baka makita ng mga pinsan ko, though hindi ko naman binura dahil ayaw ko siyang magalit or magtampo, so nagpost na lang ako sa wall niya ng something in return.

"Malapit na..."

Mid-September na, ang bilis ano? Busy na kami sa iba't ibang projects. May mga group projects na din, ang isa doon ay ang sabayang pag bigkas. Kinilig lang ako, kasi nakipag palit pa si Cedric sa isa naming kaklase para maging mag kagroup kami. Parang timang lang. HAHAH.

(Bilisan na natin ang kwento.)

Sa bahay nila Patrick ang gawa namin ng props, after class namin diretso kami kaagad sa kanila para hindi gabihin. (everyday ganoon) Ngayong gabi, ang gagawa lang ng props ay ako, si Patrick, Allen, Cedrick, at si Toni. Si Toni parang tulay namin yan ni Cedric, tapos ako naman tulay nila ni Allen.

"Hindi pa ba kayo'ng dalawa?" Tanong ni Patrick samin ni Cedric.

"Hindi nga. Wag nga'ng makulit." sagot ko.

Hanggang mag 7 na nangungulit pa din si Patrick ayaw niya maniwala na hindi pa talaga kami ni Cedric, may iba na daw kasi samin. Maya maya, napansin ko'ng may tinawagan si Cedric sa landline nila Patrick.

"Pinapauwi na ako ni Mama." nakatingin siya sa akin.

"Tignan mo, may something talaga eh." pinalo ko ng mahina si Patrick sa braso, ayaw kasi tumigil eh.

"Trick, alis na ako. Hatid mo ako sa labas."

"Eh kalalaki mo'ng tao hahatid pa." parang may naisip na kalokohan si Patrick, lumapit siya sa akin. "Tara YeRi hatid natin si Cedric." Ako naman na pa 'huh?' sa kanya. Hinatak na niya ako patayo. Wala na ako nagawa.

Magkatabi kami ni Cedric habang nag lalakad, walang nag sasalita. Sobrang tahimik. Si Patric na nasa kabilang side ni Cedric pasipol sipol pa. Ako hindi ako mapakali, kasi ang bilis ng tibok ng puso ko. HIndi ko naman kasi tinatanggi na may gusto na ako kay Cedric. Habang nag lalakad kami hindi ko napansin yung gate na nakaopen sa gilid, tumama tuloy yung braso ko.

"Aray." napahawak ako sa braso ko. Napatingin naman yung dalawa, si Patrick lumipat sa kabilang side ko, tapos si Cedric hinawakan yung kamay ko at hinaplos yung braso ko. Ang init ng kamay niya.

"Okay ka lang ba? Patingin ha?" tsinek niya yung braso ko. "Bumukol kaagad, lagyan mo 'to mamaya ng yelo pagbalik niyo kila Pat ha? Dito na lang ako, balik na kayo." Tumango na lang ako, si Pat naman, inalalayan ako.

"Ayan, ayaw pa kasi umamin na kayo na."

"Gagi, hindi talaga kami." Kinukulit niya ako hanggang sa makabalik kami sa bahay nila, pag balik namin, ang tahimik ng buong bahay. Ang alam namin iniwan namin si Allen at Toni doon. "Oh, saan sila?" Nagulat kami ng bumaba sa hagdan si Toni. "Oh andyan ka pala si Allen?"

"Lumabas, mag sisigarilyo daw siya." Ayun, tsaka ko lang napansin na hindi maipinta ang mukha ni Toni, naisip ko na lang na buti na lang at walang bisyo si Cedric.

"Teka, kausapin ko." Lumabas ako ng bahay nila Pat, hinanap ko si Allen. fortunately naman nakita ko siya sa kanto. Nilapitan ko kaagad siya. "Ikaw talaga. Tsk." Napatingin siya sa akin.

"Sorry, hindi ko talaga kayang pigilan eh." Binaba na niya yung sigarilyo niya na medyo nangangalahati na.

"Tapon mo na, baka hikain ako." Wala naman talaga ako hika, wala lang talaga ako masabi. Tinapon naman niya.

"May hika ka pala." natawa na langako sa sinabi niya.

"Wala, tara na? para matapos na tayo." Nagtatawanan pa kami habang nag lalakad.

*beep/1message received*

From: Cedric

Buti pa kayo close na.

Nakita ni Allen yung text ni Cedric, napatingin siya sa high way, ako din napatingin. Wala naman ako nakita kundi mga tricycle at jeep na dumadaan. Natawa si Allen, hindi ko siya magets.

"Wag mo na reply-an, nag seselos lang yan."

***

Commen.Vote.Like.Become a Fan <3

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon